MIKHAIL'S POV
Pagkatapos sa BlackBox ay dumirecho kami sa aming Private Club para magpalamig ng ulo. Lalong nangangati ang aking kamay na patayin ang Royals dahil sa ginawa ng kanilang leader kanina. Amputa! Ngayon lang ako nangyari sa akin ang ganito.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw kaninang hinawakan niya ako sa ulo. Pakiramdam ko ay kilala ko ang malamig na kamay na iyon at hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw parin sa aking utak ang mga katagang binitawan niya. Kung hindi sila ang nasa likod ng nangyari ay sino?
"Paps beer" pukaw sa akin ni Jeff.
"Ayoko niyan!" Sigaw ko at tumayo ako. Lumapit ako sa bar counter at kinuha ang whiskey.
Tinungga ko ang whiskey hanggang makalahati ko ito. Binalewa ko ang pait at init na dumadaloy sa aking lalamunan.
"Ngayon ka lang yata uminom niyan" komento ni Owen.
"Tsk. Putang ina" sagot ko at sumalampak ako sa couch.
"Mikhail" sabi sa akin ni Ian at nilagay ang laptop sa round table.
"Talk" sabi ko at tumungga ulit ako.
"Traste Sons, KM's at Preus" sabi niya.
Agad kong binato ang bote ng whiskey sa bintana. "Sila lang pala eh" sabi ko at tumayo.
"San ka pupunta?" Takang tanong ni Cloyd.
"Papatayin ang mga putang inang yan!" Sigaw ko.
"Teka nga! Kailan ka pa naging ganyan? Kailan ka pa naging padalus-dalos?" Sigaw sa akin ni Ian.
"Wala akong pakialam! Putang ina! Papatayin ko sila!" Galit kong sigaw. "Putang ina talaga! Kasalanan ko ito! Hindi malalagay sa peligro ang buhay nila kung hindi sa akin!" Dagdag ko.
"Tumahimik ka nga! Ginusto naman nating lahat ito! Kasalanan natin paps!" Si Layden at hinawakan ang balikat ko.
"Kailangan nating mag ingat at bantayan ang KG7. Doble ingat mga bro." Si Ken.
"Hindi lang sila ang pumupuntirya sa atin Mikhail." Si Cloyd at may narinig akong nilapag niya sa round table.
Napatingin muna ako sa kanya at bago ko tinuunan ng pansin ang round table. May nakita akong folder. Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang gunmen ng BlackBatt Mafia. Mga ex gangsters na kasapi sa punyetang Mafia na yan. Bigla kong nilukot ang folder at binato ito.
"Saan mo nakuha ang mga impormasyong ito Cloyd?" Maawtoridad kong tanong.
"I have sources" sagot niya.
Tumawa ako ng payak. "Ako pa ang lolokohin mo?" Sabi ko. "Iyan ang binigay ni Vexia sayo!" Sigaw ko sa kanya. "Sino ba talaga sila?" Dagdag ko.
Agad siyang sumeryoso at tinignan niya ako sa mata.
"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayo. Tanungin mo sila. I told you Mikhail, it's not my story to tell" sabi niya.
"Puta Cloyd!" Sigaw ko at kinuwelyuhan ko siya. "Sino sila?" bantang tanong ko.
"Tanungin mo sila!" Sigaw niya sa akin.
Bigla ko siyang sinuntok dahilan upang pumutok ang kanyang labi.
"Mikhail tama na" awat ni Ken at niyakap niya ako para isandal sa pader.
"Tang ina bro! Umayos ka nga!" Sigaw niya sa akin.
"Walang mangyayari kung magiging ganyan lang kayo!" Sigaw sa amin ni Ian.
Tinulak ko si Ken palayo sa akin at inayos ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
