CLOYD'S POV
"Paps. Okay ka lang?" Tanong ko kay Mikhail na kanina pa napapabuntong hininga.
"Sa tingin mo?" Balik tanong niya sa akin.
"Hindi" nakangiting sagot ko.
"Tsk. Huwag mo nga akong niloloko at baka maupakan kita" sagot niya sa akin.
Kanina pa siya ganyan. Kung hindi sumasagot ng maayos ay napapabusangot sabay buntong hininga. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapapabusangot kung ang babaeng tinitibok ng puso mo ay ayaw sayo. Saklap nun pre!
"Huwag kang mawalan ng pag-asa paps! Iuuntog ko ang pinsan ko para ma-amnesia at ibre-brainwash natin siya" pampalubag loob ko.
"Hahahahahahahahaha! May tama ka paps!" Segunda ni Layden.
"Honga! Gumagawa ang utak mo kapag in love!" Si Jeff.
"Gago!" Sigaw ko sa kanila.
"Mga ulol! Sa tingin niyo gusto ni Mikhail iyon?" Si Owen.
"Syempre ang tunay na lalaki ay gustong mapaibig ang babae sa paraang alam niya. Hindi sa amnesia amnesia na iyan" salungat sa amin ni Ian.
"Ang dami niyong alam! Tulungan na lang natin siya kung paano mapapaibig si Vexia!" Bulyaw sa amin ni bakulaw.
"Aba! Aba!" Si Layden habang mulat na mulat ang mga mata at halatang nagulat sa sinabi ni Ken.
"May pinanghuhugutan paps Ken-Ken?" Si Jeff ginaya si Layden.
"Magsitahimik nga kayo! Lalong sumasakit ang ulo ko eh!" Bulyaw naman ni Mikhail sa kanila.
Ako naman natatahimik dahil napapaisip ako kung anong posibleng dahilan kung bakit binasted ni Vexia si Mikhail ng tatlong beses. Oo! Tatlo na. Ang pangatlo ay nung magtatapat na sana si Mikhail sa may burol, tulad ng ginawa ni Owen kay Liya, ngunit bago pa man daw sila makarating sa burol ay tulog na tulog si Vexia. Kahit ginigising ni Mikhail ay hindi daw niya magising kaya ang resulta ay natulog na lang silang dalawa sa kotse.
Ang saya di ba?
Hindi ko nga rin maintindihan sa pinsan kong iyon kung bakit ayaw niya kay Mikhail, gwapo naman pero mas gwapo pa rin ako, mabait naman syempre kapag tulog, ma-effort naman syempre mas ma-effort siya kesa sa akin. Pero bakit nga ba?
"Paps! Anong iniisip mo ah?" Pukaw sa akin ni Jeff.
"Kung kelan siya makaka-iskor kay Gael" natatawang sabi ni Layden.
"Gaga! Landi mo!" Bulyaw ko sa kanya.
"Uiiiii defensive" sang-ayon ni Ken.
"Hoy! Bago kang mang-asar ay siguraduhin mong may gf ka ha? Kasi libre ang mainggit!" Ingos ko sa kanya.
"Iskor? Agad-agad? Pwedeng pinagpapantasyahan muna? Di ba Cloyd?" Si Ian ( ¬‿¬ )
"Isa ka rin! Baka ikaw!" Baling ko kay Ian.
"De ah!" Depensa naman niya.
"Ano ba! Magsitahimik nga kayo!" Bulyaw ulit ni Mikhail.
Tumayo siya at kumuha ng magazine sabay lukot at aakmang hahampasin kaming lahat. Nagsitayuan naman kami at nagtago sa likod ng couch.
"Oh! Oh! Oh! Paps! Uwi na kami! Ciao!" Sabi ko.
"Huwait paps!" Si Layden at sinangga ang dalawang kamay.
"Paps! Maawa ka! Hindi na ako uulit!" Pabading na boses ni Jeff.
"Ahhhh! Alam ko na!" Sigaw ni Ken.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomantikSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
