CLEI'S POV
BLAAAAAAAG
"CLEEEEE--"
"GISIIIIINGGGG NAAAAA AKOOOOOOOO!!!!!" Bulyaw ko kung sino man ang gumising sa akin.
"Ah okay" sabi niya at binalibag niya ulit ang pintuan.
Haaaay. Peace on earth. Nagkumot ulit ako hanggang leeg at natulog.
After 25 minutes...
Naramdaman kong may lumapit sa akin at inalis ang nakatakip na hibla ng buhok sa aking mukha.
Gising na...
Nakarinig ako ng boses lalaki at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Chuck Bass?" Bulong ko
"HOOOOY!!! GUMISING KA NA!! ANONG ORAS NA!" Sigaw niya.
Nagtatagalog si Chuck Bass? Kumurap-kurap muna ako at inaninag kung sino ang nagsasalita.
"Anong tinitingin tingin mo? Pinagpapantasyahan mo ako no?" Sabi niya.
Nagulat ako at kumunot noo ako. Nagtatagalog talaga siya? Kinusot ko pa aking mga mata para maging malinaw ang aking paningin.
"Ikaaaaw? Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Ginigising kita?" Nakakalokong tanong niya sa akin sabay hinagod ako ng tingin.
"Hoy! Pervert ka talaga!!" Sigaw ko at binato ko siya ng unan.
"Anong pervert? Tinitignan lang kita dahil may laway ka pa oh!" Sabi niya sabay turo sa akin.
Napahawak ako sa aking labi, ay meron nga (__ __")
"Eh anong ginawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Sinusundo nga kita! Diba may usapan tayo?" Tanong sagot niya sa akin.
Ay oo nga pala.
"Ang aga mo naman!" Sigaw ko.
"Anong maaga? Alas dose na! At kanina pa ako sa baba!" Sigaw ulit niya sa akin.
"Kasalanan ko ba kung hindi mo sinabi kung anong oras mo ako susunduin ha?" Sigaw ko ulit sa kanya at nahiga sa kama.
"Oo na! Exchisnejhsusnslksm" sabi niya sabay lapit sa bintana at hinawi ang kurtina.
"Anong sinabi mo?" Tanong ko.
"Wala! Bilisan mo! Gutom na ako!" Sagot niya.
"Kasalanan ko?" Mataray kung tanong.
"Sinabi ko ba?" Suplado niyang sagot.
"Oo na! Umalis ka na!" Bulyaw ko.
Nakakairita na talaga ang Lampacho na ito! Kung hindi lang bawal sa patakaran ni Vexia ay matagal ko na siyang pinaslang!
"Eh di umalis! Bilisan mo!" Sigaw rin niya sa akin at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto.
KEN'S POV
Nakakaasar talaga ang babaing ito! Kanina pa ako sa baba! Pinaghintay niya lang naman ako ng isang oras! Kasalanan ko ba kung hindi ko sinabi kagabi kung anong oras ko siya susunduin dahil excited ako masyado?!
(* ̄з ̄)
Naglalakad ako dito sa hallway papuntang elevator. Malaki talaga ang Mansion ni Deeja at nakakalula. Maraming paintings at kung ano ano pa, naalala ko tuloy ang Mansion nila Cloyd. Pinindot ko ang elevator at bumukas naman ito agad. Sumakay agad ako nang biglang bumukas ulit ito. Huh? Lumabas ako at ginala ko ang paningin ko. Hindi ito sala ah. Naglakad lakad pa ako at may nakita akong bukas na pinto. Hindi ako echosero pero sige na nga echosero na ako! Lumapit ako sa pintong nakabukas at nakita ko si Mitch sa loob. Nakaputing lab gown siya. Ano naman kaya ang ginagawa niya? Scientist ba siya?
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomantizmSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.