CHAPTER 45: PLAN A

238 7 0
                                    

IAN'S POV

Binulsa ko ang aking cellphone pagkatapos naming mag-usap ni Zai. Napapabuntong hininga ako habang naglalakad papuntang parking lot. Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito.

--FLASHBACK--

"Kamusta naman ang girlfriend mo? Buhay pa ba?" Nakangising tanong sa akin ni Darlene.

"Anong sinabi mo?" Takang tanong ko.

"Ops!" Natatawang sabi niya.

Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit. "Huwag na huwag mo siyang gagalawin Darlene" malakas na sabi ko.

"Hahahahahahahahahaha! Ginalaw ko na nga eh!" Natatawang sabi niya. "Ano ba! Nasasaktan ako" Hiyaw niya dahil mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Nasasaktan ka pala? Ha? Nasasaktan ka?" Mas lalo kong diniinan ang magkakahawak ko sa kanya. Mahigpit.

Hindi ako pumapatol sa babae kung hindi sa Gang Battle pero pota! Kung si Zai ang pinag-uusapan ay babalian ko na nang buto ang babaeng ito eh!

"Tandaan mo ito Darlene, kahit anong gawin mo ay hindi mo mailalayo sa akin si Zai. Itaga mo iyan sa ulo mo!" Seryosong sabi ko at marahas ko siyang binitawan sabay lakad palayo.

Nagtatagis ang aking bagang at nangangati na ang mga kamay kong pilipitin siya.

"Don't try me Wanhalder. You know me" sigaw niya sa akin.

Hindi ako sumagot at walang likod akong naglakad palayo.

--END OF FLASHBACK--

Tumatakbo pa rin sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Darlene kanina. Siya lahat ang may kagagawan kung bakit nagkanda leche-leche ang buhay pag-ibig ko. Hindi rin ako mapakali dahil sa mga banta niya.

Bigla akong nag U-turn pabalik sa school para hintayin si Zai. Masama ang kutob ko. Pagdating ko ulit sa school ay nagmadali akong pumuntang classroom ni Zai ngunit wala akong nakitang tao.

Biglan akong kinutuban ng masama. Lakad takbo akong binubuksan ang mga pintuan ng classroom para hanapin siya ngunit wala akong nakita. Nasa ganon akong posisyon ng may maramdaman akong naglalakad sa hallway. Sinundan ko ang dalawang anino hanggang makarating sa soccer field. Pamilyar sa akin ang dalawang lalaki.

"Mafia" bulong ko nang mapagtanto ko kung sino sila.

Biglang naikuyom ko ang aking palad habang nagtatago sa isang puno di kalayuan. Nakatayo lang ang dalawa sa gilid ng soccer field at mukhang nagmamatyag lang. Hindi naman ako malasilip ng maayos dahil natatabingan ako ng mga sanga. Bale sa dalawang lalaki lang ang nakikita ko.

Wala pang ilang minuto ay gumalaw na ang dalawa. Tumatakbong gitna ng soccer field, agad ko naman silang sinilip ngunit dahil malayo ako sa kanila ay hindi ko maaninag kung sino ang kinakalaban nila. Ang alam ko lang ay bumagsak na ang dalawang malaking lalaki at dalawang tao na lang ang naiwan. Mukhang babae sila dahil nakasuot sila ng palda.

"Malamang" bulong ko ulit. "Pero sino sila? Baka naglalaro na naman ang BlackAngels" dagdag ko. Sinasagot ko lang ang mga katanungan ko sabay kamot ulo.

Bumalik ako sa hallway tutal wala naman doon ang hinahanap ko. Tinawagan ko ulit si Zai ngunit ring lang ng ring at walang sumasagot. Nakatatlong dial na ako hanggang namatay na ang kanyang cellphone. Siguro nalowbatt na rin.

Napapabuntong hininga na lang ako habang nakayuko. Makauwi na nga lang. Kung ano-anong pumapasok sa kukute ko. Hindi pa ako nakakalayo hanggang may naramdaman akong naglalakad sa kabilang parte ng hallway. Liningon ko at mukhang si Zai nga. Napangiti ako at sinundan ko siya ngunit ambilis naman niyang maglakad. Binilisan ko ang aking lakad hanggang nawala na siya ng tuluyan. Napatigil ako sa paglalakad at luminga-linga hanggang maramdaman kong may humablot sa akin at marahas akong isinandal sa pader.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon