CHAPTER 40: THREAT

319 9 5
                                    

ZAI'S POV

"5 minutes" bulong ko nang tumingin ako sa aking wrist watch.

May limang minuto pa bago magbell. May limang minuto pa ako para maghintay bago ipasa ang exam sheet ko sa instructor. Ayaw ko namang ipasa agad ito dahil ako na lang palagi ang unang nagpapasa. Ang awkward kaya. Pero teka, kailan pa nadagdag sa bokabularyo ko ang salitang "awkward"?

Umiling-iling ako at kinuha ko ang aking bag. Kung ano-anong pumapasok sa kukute ko. Nababangag na rin yata ako -______-

Tumayo ako at pinasa ang papel na hawak ko at walang lingon likod akong umalis. Direcho ako papuntang locker upang iwan ang ibang notes ko tutal hindi ko naman na ito magagamit. Pagdating ko sa locker ay medyo nakaawang ito at tila pwersahang binuksan.

Ano naman kaya ang nanakawin sa locker ko? Libro? Notes?

Binuksan ko ang locker at tama nga, may nagbukas. Kinuha ko ang mga notes ko nang may maramdaman akong nahulog. Pinulot ko ang kulay itim na papel at binasa ang laman.

Stay away from him or die?

"Wow! Death threat!" Bulalas ko.

Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito at feeling ko ay ako si Sanchai sa meteor garden!

Waaaaaaaaaaaa! Ang saya naman!

Waaaaaaaaaaaa! Nakaka eggzoyt! O(≧∇≦)O

Pero teka, sinong tinutukoy ng note na ito? Si Damon Salvatore ng The Vampire Diaries o si Christiano Ronaldo ng Real Madrid Football Club?

Waaaaaaaaaaa! I NEED AIR!

"But soft, what light through yonder window breaks? It is the east, and Juliet is the sun"

Napawi ang malawak na ngiti ko at napatingin ako sa lalaking nagsasalita sa aking likuran sabay kunot noo.

"Oh Romeo, Romeo. Take me somewhere we can eat este we can be alone" padula rin kong sinabi.

Ngumiti naman siya at hinawakan niya ako sa kamay sabay halik sa pisngi.

"Ano 'to?" Tanong niya nang makita niya ang kulay itim na papel.

"Wala. Note lang iyan" pambabalewala ko at binulsa ko agad ang note.

"Tara Romeo?" Aya ko sa kanya.

"Tara Juliet"" sang ayon naman niya.

Habang naglalakad kami sa hallway ay makakasalubong namin sina Darlene at Keith. Direchong lakad lang kami habang magkatitig kami ni Darlene. Nasa aura niya ang galit sa akin. Biglang hinawakan ni Ian ang kamay ko at pinisil ito. Para bang sinasabi niyang huwag ko siyang papansinin.

Taas noo akong naglakad at kinapa ang note sa bulsa ko. Bago magpantay ang mga balikat namin ay nilabas ko na ang note sa aking bulsa at nilaglag mismo sa kanyang harapan.

"Oh! I dropped something" sabi ko dahilan upang tumigil ako sa paglalakad. Pinulot ko ang note at marahas kong sinampal sa dibdib niya "Don't dare me piece of shit" bulong ko at ngumiti ako ng matamis.

Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha at bigla itong napalitan ng galit. Hindi ko na hinintay na magsalita siya at tumalikod na ako palayo.

"Humanda ka!" Galit niyang sigaw.

"Pagbutihan mo!" Ganti kong sigaw na hindi ko man lang siya tinignan.

Hinila ako ni Ian payakap sa kanya at nilingon ang dalawa. Tumingin ulit siya sa akin.

"Anong nahulog mo?" Kunot noong tanong sa akin niya sa akin.

"Wala. Iyong note" sagot ko.

"Bakit sumigaw siya?" Tanong niya.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon