CHAPTER 42: MIDNIGHT MEMORIES

288 9 2
                                    

MIKHAIL'S POV

Tattoo. White ink skull tattoo. May bulaklak ng camellia sa ulo ng bungo at may nakalagay na...

KG7 sa itaas at Vexia sa baba

Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang nakalagay sa kanyang likuran. Hindi ko alam kung bakit biglang nanindig ang aking balahibo siguro dahil sinisipon ako -_______-

Hindi siya sumagot sa komento ko at binalot niya agad sa kanyang katawan ng table cloth. Walang imik siyang umupo sa kaharap kong couch at pinagmasdan ang umaapoy na chimney. Habang pinagmamasdan niya ang apoy ay napapatingin ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang nasa utak niya. Para siyang saradong libro o pinto na ayaw mabuksan.

"Sorry" hindi ko namalayang bulong ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako humingi ng tawad dahil na rin siguro nag iba ang kanyang aura at ayoko ng aura niya.

"No harm done" sagot niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. At pati paghinga ko ay lumuwag din. Bigla yatang nawala ang aking sipon -______-

Akala ko pa naman tuloy-tuloy na para alagaan niya ulit ako. Kaso, hindi eh. Amputek.

"I, I mean, We had this tattoo at the age of fifteen" panimula niya.

"We" bulong ko.

"Yeah. We, the KG7" siya at tumingin sa akin.

"Kyot Girls 7?" Kunot noong tanong ko.

"Hell no!" kunot noong sagot din niya sa akin.

"Si Cloyd kasi ang nagsabi" depensa ko.

"Baliw talaga ang lalaking iyon" umiiling na sabi niya.

"Baki-"

"Hind-"

Sabay kaming nagsalita. "Ikaw muna" sabi ko.

"Hindi ka na sinisipon?" Tanong niya.

"Mukhang hindi na. Umurong na yata ang sipon ko" natatawang sabi ko.

"Ahhh" siya at tumingin ulit sa apoy.

Hindi ba niya tatanungin ang kung anong gusto kong tanungin kanina sa kanya? Unfair naman

-_____-

Tinititigan lang niya ang apoy na parang pilit niyang pinapalamig ito. Sabagay, Ice Queen naman siya -_____-

"Pinapalamig mo yata ang apoy" wala sa loob kong bulong ngunit hindi yata nakaligtas sa pandinig niya dahil ngumisi siya.

"Kung kaya ko lang" malamig na sagot niya.

"Bakit ang lamig mo?" Tanong ko at tumingin din ako sa tinitignan niya.

"In what way" sagot niya.

"In all way. The way you smile, talk and move. You have always that famous frown look painted into your face" ako at tinignan ko siya.

Wala man lang akong nakitang reaksyon sa kanyang mukha. Hindi siya sumagot at hindi parin niya iniiwas ang tingin sa apoy. Nagsisisi tuloy ako kung bakit madami akong sinasabi at tinatanong. Tiyak hindi na yan sasagot. Umayos ako ng pagkakaupo sa couch at isinandal ang aking ulo. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

"I have reasons" sagot niya pagkatapos ng tatlong minuto.

"Care to share them?" Tanong ko at tumingin ulit ako sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. May nababasa akong lungkot sa kanyang mga mata ngunit napalitan ng pagdadalawang isip. Mukhang tinitimbang niya kung sasabihin ba sa akin ang kanyang rason o hindi. Bumuntong hininga muna siya at sumandal sa kinauupuan niyang couch.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon