CHAPTER 53: MEMORIES OF AN OLD MAN

178 8 1
                                    


THIRD PERSON'S POV

Nagmadaling pumunta sa NAIA sina Clei at Vexia upang hagilapin ang lider ng BlackMarines. Habang naglalakad sila papuntang parking area ay inaayos ni Clei ang dala nito at si Vexia naman ay inaayos ang silencer ng kanyang baril.

Ginala nila ang kanilang paningin upang pagmasdan ang mga body guards na nagkalat. May nag-iinuman, naninigarilyo sa tabi at umiihi sa sulok. Kinuha nila ang pagkakataong ito upang makalapit sa tatlong kotse at gumapang sa ilalim nito. Nilagay ni Clei ang aparato at pinindot ang on.

"Boo!" Si Vexia at binaril sa ulo ng lalaking nasa driver's seat sabay hablot upang siya ang pumalit sa driver.

Nang matapos si Clei ay tumabi na siya kay Vexia sa passenger's seat at naghintay pa ng ilang minuto.

"Nandiyan na ang doktor. Sibat na" sabi sa kanya ng lalaki at sumakay sa likod.

Tumango lang si Vexia at ngumisi lang si Clei. Nang makasakay na ang lahat ay nagsimula ng magdrive si Vexia sa arrival area kung saan paparating na ang lalaking tinawag na "doktor"

Sumakay ang doktor sa kinasasakyan ng dalawa, sa gitnang kotse, at umalis na sila. Habang nagbyabyahe, kung saan wala nang masyadong bahay at mukhang pabrika na lahat ang nakikita, ay tinanggal ni Clei ang kanyang hood.

"Mother! Mother! I am sick. Call the doctor very quick!" Pakantang sabi ni Clei.

BANG!

At binaril ang katabing body guard ng doktor.

"Hello doc. How was your flight?" Dagdag na tanong ni Clei habang nakangisi.

"Sino kayo?" Nag-aalalang tanong ng doktor. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot.

"It's not important" sagot ni Vexia.

"I want to know what's the next transaction?" Tanong ni Clei.

"Hahahahahahahahaha! Anong pinagsasabi mo?" Natatawang sabi ng doktor.

"Hahahahahahahahaha!!!" Tawa ni Clei. "K" dagdag niya.

"Sino ang koneksyon mo sa Beijing?" Tanong ni Vexia.

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo!" Sigaw ng doktor. Malakas.

"Don't play the innocent bastard" si Clei at inikot pa niya ang kanyang mga mata.

"Ohhh. Tiyak galit na galit sayo ang Don dahil nagkulang ang materyales sa Beijing" nakangising komento ni Vexia.

"Yeah. Dahil sinunog namin ang klinika mo" sang ayon naman ni Clei.

Bumakas ang gulat sa mukha ng doktor dahil sila ang nasa likod ng pagkasunog ng kanyang klinika kagabi. Agad niyang kinuyom ang kanyang palad at halata sa mukha niya ang tinitimping galit.

"Sige, sabihin na nating totoo ang mga sinasabi niyo. Ano ngayon ang gusto niyong mangyari? Nanakawin niyo sa akin ang natitirang materyales at ibebenta sa iba?" Patuyang tanong ng doktor.

"Hahahahahahahahahahahaha!!!" Malutong na tawa ni Clei. "Yuck" dagdag niya.

Kumunot ang noo ng doktor dahil sa tingin niya ay pinagtritripan lang siya ng dalawang babae.

"Ano bang kailangan ninyo?!" Pasigaw na tanong ng doktor. "Sa tingin niyo ba ganun kadali ang pinasok niyo? May kotse sa ating harapan kung saan puno ng aking body guards at isang kotse sa likuran! Wala kayong takas! Isang pindot ko lang ay titigil sila ay papaulanan kayo ng putok! Patayin niyo man ako ngayon ay mamamatay rin kayo!" Malademonyong sabi niya at pinakita niya ang hawak niyang aparato.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon