CHAPTER 15: SPORTFEST 3

598 8 2
                                    

DAY 3

CLEI'S POV

"Clei! Wake Up! Wake Up!"

Uhmmmmm. Umagang umaga may nambubulabog na. Hindi ako sumagot at nagkumot lang. May narinig akong yabang palapit sa kama.

"Wake Up!" Sigaw sa akin.

Boses ni Gael. Hindi parin ako nagpatinag, nakakumot parin ako. Biglang may humablot sa kumot na nakatakip sa akin. Bweseeeeet naman oh!

"Fix yourself in 10 minutes, sa cucina." (Kitchen) Sabi niya at umalis.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko at yumingin ako sa iphone ko, 7:30am, ang aga pa ~___~

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na akong kusina at naabutan ko silang lahat.

"Morning girls" bati ko.

"Morning" chorus nilang bati.

Umupo na ako sa pwesto ko at naglagay ng cereals sa aking bowl.

"Nakakamiss ang pinoy food." Sabi ni Zai.

"Oo nga! Magluto ka ulit Mitch!" Segunda ni Liya.

"Tomo!" Sabi ko sabay subo sa cereals.

"Walang hotdogs dito sa ref. kailangan nating mag grocery kung gusto niyo ng pinoy food. Puro pasta lang kasi ang stock dito eh." Sagot ni Deeja.

Sabagay. Pasta, lasagna and ravioli lang ang kinakain namin simula nang dumating kami dito kami sa Pinas.

"Sa weekend mag grogrocey tayo." Si Vexia at tumayo na siya. Nilagay niya ang bowl sa dishwasher at kumuha ng ubas sa fruit basket at umupo ulit.

"Sure!" Sabi ni Gael at ngumiti ng malawak (☆^O^☆)

Nasa mga mata niya ang excitement. Bakit naman siya excited?

"Girls. It's 8am. Lets go" Si Deeja.

Kahit kailan talaga ang babaing ito. Laging oras ang tinitignan. Ayaw niya kasi ng nalelate. Josko naman!

"Anong unang laro?" Tanong ko.

"Volleyball Girls. Maglalaro ka?" Sagot ni Zai.

"Naaaah. Pag iisipan ko pa." Sagot ko at inubos ko na ang natitirang cereals.

"Tahrah nah! Gustow kohng mahgchampion. So we can go to the famous Boracay! White sand and crystal clear water." Nakangiting sabi ni Gael sabay tayo.

Hindi pa pala kami nakakapasyal dito sa Pilipinas, puro school, mall at bahay lang kami. Tama rin naman siya. Magandang vacation na rin ang 5 days.

"How did you know?" Tanong ni Mitch.

"I made a research. Lets go" sagot niya.

Tumayo na rin kami at nilagay ang bowl sa dishwasher. May dishwasher pa pala dito eh! Hindi man lang sinabi ni Deeja nung isang araw para hindi na kami nagbasag -______-

Pumunta na kaming garage at nagdrive papuntang University. 8:45am na. Nagsimula na ang laro namin. Dumirecho kaming volleyball court at pumunta sa kateam namin. Umupo kami. Naglalaro na pala ang mga kateam namin. First game sila at kalaban nila ang Team C. Wala pang masyadong tao. Buti naman at walang naghihiyawan -_____-

"Good Morning Miss Vexia, maglalaro ba kayo?" Rinig kong tanong ng isang babaeng kateam namin.

"No" tipid na sagot niya.

"Eh ikaw po Miss Clei?" Baling niya sa akin.

"Hmmmm. Kayo na lang ang maglaro." Sagot ko at nilabas ang iphone.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon