THIRD PERSON'S POV
Naalimpungatan si Mikhail dahil may naririnig siyang ingay. Parang nakakarinig siya ng barko. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang kulay puting kisame. Kumurap-kurap ulit siya at ginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Kulay puti lahat ito ay may tv sa kanyang harapan.
Bigla ulit niyang narinig ang pag-andar ng barko. Kunot noo siya dahil mukhang hindi siya nasa barko. Napalingon siya sa kanyang kaliwa kung saan nanggagaling ang ingay at nakita niya si Jeff na nakaupo habang nakanganga.
Bigla siyang sumingot at inabot ang unang bagay na napulot niya sa bed side table at binato ito sa kanya.
"Aray kuuu!!!" Daing niya at hinimas ang kanyang ulong bumukol.
"Oh bakit paps?" Tanong ni Layden.
"Mikhail" si Owen at bigla siyang lumapit sa kanya.
"Paps!!!" Sabay na sigaw nina Layden at Jeff sabay lapit din.
"Ano ba! Hyper na naman kayong dalawa!" Suway niya.
"Paps naman eh" maktol ni Jeff.
"Akala namin deds ka na" segunda ni Layden.
"Gago! Tigilan niyo ako ha!" Sigaw ulit niya sa dalawa.
"Ayos ka lang paps?" Tanong ni Owen.
"Hindi" monotone na sagot niya. "Kailan pa ako nandito?" Dagdagniya.
"Kahapon pa paps. May tumawag sa akin. Sabi dinala ka daw sa hospital dahil naaksidente ka kaya iyon pinuntahan ka namin agad sa nasabing hospital at nilipat dito dahil mas magaling mga doctors namin" paliwanag ni Layden.
"Ah" tipid na sagot niya at napasandal ulit siya sa kama.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Owen.
"Honga paps. Alam mo bang nag-aalala kami sayo?!" Si Jeff.
Tinignan lang siya ni Mikhail ng masama at tumahimik naman ito.
"Napaaway lang" pagsisinungaling niya.
"Napaaway? O baka naman pinagtangkaan ka ng buhay?" Si Owen ulit.
"Ganun narin iyon" pagbabalewala niya.
Mapait siyang ngumiti dahil naalala ulit niya ang huling nangyari sa kanila ni Vexia.
Pero bakit? Bakit niya ako balak patayin? Sa utak niya.
Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone. Ang Daddy niya.
"Tell him I am sleeping" utos niya kay Owen.
Tumango lang si Owen bilang sagot.
"Good afternoon Sir. D'Austini" magalang na bati ni Owen. "He's sleeping Sir...Yes Sir...I will" sabi niya at binaba ang tawag.
"Ayos na" si Owen at umupo ulit.
May kumatok sa pintuan at nagkatinginan sila. Tumayo sina Layden at Jeff upang pagbuksan. Naglabas din sila ng baril.
"Sino yan?" Seryosong tanong ni Layden.
"Gago! Kami to!" Sigaw ni Cloyd sa labas.
"Ay sorry!" Si Jeff at binalik ulit niya ang baril sa kanyang likuran.
Binuksan nila ang pinto at bumungad sa kanila sina Cloyd, Ian at Ken.
"Musta paps?" Tanong ni Cloyd at naupo sa couch.
"Namamatay na" sagot niya.
"Sus. Masamang damo mahirap mamatay" sabi niya.
"Oo. Tulad ng Royals na iyan" si Ken at halata sa kanyang mukha ang pagkainis.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.