ZAI'S POV
Kung bakit sa tinagal-tagal namin dito sa Pilipinas ay ngayon pa umulan ng malakas? Kaninang umaga pa nagsimulang pumatak ang ulan at hanggang ngayon ay hindi parin ito tumitila.
Nagsasayawan na rin ang mga puno dahil sa lakas ng hangin at natumba na ang mga halaman sa labas. Bored akong nangalumbaba at pinagmasdan ang soccer field na halos mabaha na.
Napatingin din ako sa napakadilim na kalangitan at sumulyap din ako sa aking relo. Alas tres palang ng hapon pero parang gabi na dahil sa sobrang dilim.
Bumalik ulit ang mata ko sa harapan at napasandal ako sa aking upuan. Walang humpay din sa paglelecture ang Prof. kahit hindi na masyadong naririnig ang boses niya, dahil kahit soundproof ang mga bintana, ay medyo naririnig parin namin ang malakas na pagbuhos ng ulan sabay ng ingay ng hangin na tumatama sa mga puno.
Tahimik lang kaming nakikinig nang biglang nawala ang kuryente. Biglang naghiyawan ang mga kaklase kong babae at sumipol naman ang mga lalaki. Okay, ito na lang ang kulang. Nice. Bored ka na nga at nawalan pa ng kuryente. Great. -______-
"Stay calm Ladies" saad ng Prof.
Medyo kumalma naman sila ngunit may maririnig ka paring bulungan. Biglang bumukas ang pintuan at iluwal ang isang lalaki.
"Mr. Ramirez, you can now dismiss your class." Pahayag niya. Parang boses ni Ian.
Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at nag unahan na silang umalis. Hinintay ko muna silang umalis lahat bago ako tumayo at lumabas sa classroom. Habang naglalakad sa hallway ay naramdaman kong may taong sumusunod sa akin.
Lumiko ako at naramdaman ko rin siyang lumiko. Ngumisi ako dahil mukhang gusto pang makipaglaro sa akin. Tumakbo ako at kumanan sabay hugot ang isa sa mga bracelets. Winaksi ko ito papunta sa isang tubo sabay hila at pumwersa ako para tumuntong dito. Mabuti na lang at magaan ako kundi bibigay na ang tubo.
Nakita ko ang lalaking sumusunod sa akin at napahinto sa mismong baba ko. Dahan dahan kong ipinulupot ang mga binti ko sa tubo at hinayaan kong mahulog ang kalahating katawan ko sa kanya sabay...
"BUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUH!"
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
BOOOOOOOOGGGSSSHHH
Bigla akong nahulog sa tubo at nadaganan ko siya. Shet bumigat yata ako. Liningon ko siya at kasalukuyan niyang inaalog ang kanyang ulo.
"Shit!" Pagmumura niya.
"Who are you?" maawtoridad kong tanong at bigla ko siyang kinuwelyuhan patayo.
"A-ako to. Si I-Ian" sabi niya.
Bigla ko siyang binitawan dahilan upang humandusay ulit siya sa semento.
"Aray ko naman Zai!" Sigaw niya.
"Ay sorry! Ha ha ha!" Asar kong sinabi.
"Masakit yon ha! Nabalian yata ako" maktol niya at tumayo ulit.
"Buti nga sayo" sabi ko.
"Ang sama ha! Ikaw na nga ang sinusundo ha" maktol parin niya.
"Sinabi ko bang sunduin mo ako?" Pagtataray ko.
"Sungit mo! Dinaganan mo na nga ako tapos kinuwelyuhan at binagsak" sabi niya at hinawakan niya ang kanyang pwet.
"Sorry po" sabi ko at yumuko. Tapos bigla kong binigay sa kanya ang bag ko. "Mabigat eh" dagdag ko.
"Opo" sagot din niya at yumuko. "Ang payat mo tapos ang bigat mo! San mo ba tinatago yang taba mo?" Sabi niya at naglakad na kami.
"Sa bag ko" sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.