THIRD PERSON'S POV
Alas sais palang ng umaga ay lumuwas na si Deeja upang hanapin ang pangatlong bahay ng kanilang target. Habang nasa byahe ay nababadtrip na siya dahil sa traffic. Napabuntong hininga siya at sumandal sa kinauupuan. Makalipas ang ilang minuto ay umusad narin ang mga sasakyan. Nagdrive lang siya hanggang mapansin niyang may nakabig bike na sumusunod sa kanya. Hindi niya maaninag ang nakasakay dahil nakahelmet ito ngunit halata sa aura nitong kasali sa mafia.
Napangisi siya at binilisan niya ang pagpapatakbo at lumiko sa kanan. Napansin niyang bumilis din ang nakabig bike at lumiko din ito.
"Hay nako. May sagabal pa" bulong niya at tinignan niya ulit ito sa rear mirror.
Itinigil niya ang kotse sa tapat ng 7/11 at pumasok sa loob. Nakita niyang nagpark din ang nakabig bike di kalayuan mula sa kanyang kotse at papasok narin ito sa loob. Biglang nagtago si Deeja sa aisle ng mga kape at nagkunwaring bibili. Nang mapansin niyang palinga-linga ang lalaki ay lumipat siya sa kabilang aisle upang makarating siya sa likuran nito.
Hinawakan agad ni Deeja ang lalaking nakahelmet sa braso at marahas na sinandal sa pader.
"Anong kailangan mo" seryosong tanong niya.
"Wa-wala miss. Bakit ba? Ano bang problema mo?!" Sita sa kanya ng lalaki.
"Sinusundan mo ako. Iyon ang problema ko" sagot ni Deeja at marahas niyang tinanggal ang helmet ng lalaki.
Nang matanggal niya ay napasimangot si Deeja dahil punong-puno ng pimples ang lalaki at sungki-sungki ang kanyang mga ngipin.
"Ewwww" bulong niya.
"Miss, harassment na ang ginagawa mo ah!" Dipensa ng lalaki.
"Ah talaga?! Eh ang pagsunod mo sa akin? Ano ang tawag mo dun?" Mataray na sagot ni Deeja. Marahas niyang binitawan ang lalaki ay binantaan niya ito. "Sundan mo pa ako at pasasabugin ko yang motor mo kasama ng karumaldumal na pagmumukha mo" seryosong sabi niya.
"Ayos ah. Natatakot na ako" nakangising sagot ng lalaki.
Hindi na nagsalita si Deeja at kumuha na lang siya ng tubig sa ref at binayaran sa counter. Nagbyahe ulit siya hanggang napansin niyang sinusundan parin siya ng nakabig bike.
"Okay" sabi niya sa kanyang sarili at niliko niya ang kotse.
Pumunta siyang compartment at kinuha ang kanyang "baby". Bumalik ulit siya sa loob at hinintay niyang dumaan ang nakabig bike. Wala pang ilang minuto ay dumaan na ito.
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM
Hindi bala ang lumabas sa kanyang baby kundi granada kaya naman sumabog ang big bike pati narin ang lalaki. Binuhay niya ulit ang kotse at ipinagpatuloy ang pagdidrive na parang walang nangyari. Lumipas pa ng ilang oras at nakarating na siya sa lugar.
Pinagmasdan niya ang bahay. Malaki ito at mukhang may nakatira pa dahil hindi napabayaan ang mga bulaklak sa garden. Nakiramdam siya kung may tao sa loob o wala. Sarado ang mga bintana at sarado din ang gate.
Luiminga siya sa paligid kung may pwede siyang mapagtanungan at nakita niya ang isang matandang nagwawalis sa kabilang kalsada. Lumipat siya upang magtanong.
"Magandang tanghali po, kilala niyo po ba ang mga nakatira diyan?" Tanong niya sabay turo sa bahay.
Tiningala naman siya ng matanda. "Ha? Ano iyon ineng?" Tanong ng matanda.
"Ang sabi ko po kung kilala niyo po ba ang nakatira diyan!" Sigaw niya sa matanda.
"Huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi!" Ganting sigaw sa kanya ng matanda.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
Roman d'amourSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.