CHAPTER 62: IDENTITY EXPOSÈ

225 10 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dali-daling lumabas ng campus si Kres upang magsaya dahil alam niyang sa mga oras na ito ay sumabog na ang babaeng tumapak sa kanyang pagkalalaki. Wala siyang pakialam kung babae man ito o hindi. Basta ang importante ay mabura ito sa mundo. Tiyak, magpapainom pa si Samie kapag nalaman niya.

Pasipol-sipol siyang nagdidrive hanggang tumigil ang kanyang kotse.

"Putang ina naman oh! Ngayon pa!" Inis niyang sigaw at sinuntok ang manubela. Lumabas siya sa kotse at nagsindi ng sigarilyo.

Nakailang hithit muna siya hanggang naglakad papuntang waiting shed para pumara ng taxi. Wala pang tatlong minuto ay may taxi'ng tumigil sa kanyang harapan.

"Barry's" utos niya at agad namang tumalima ang driver.

Kinuha ni Kres ang kanyang cellphone at nagtext sa kanyang mga kasamahan kung nandun na sila sa lugar. Wala pang tatlong minuto nang makaramdam siya ng antok. Humikab siya ng dalawang beses hanggang napapapikit na ito.

"Gisingin mo ako kung nandoon na tayo. Huwag kang gagawa ng masama dahil gangster ako. Di ako magdadalawang isip na patayin ka" banta niya sa driver at pinakita pa niya ang kanyang baril.

Tinignan naman ng driver si Kres sa rear mirror at tumango. Tuluyan na ngang humihilik si Kres at hindi na niya naramdamang lumiko ang kotse. Wala pang sampung minuto ay bumaba na ang driver at biglang tinapunan ng malamig na tubig ang natutulog na lalaki.

"Putang ina! Sino yon!" Sigaw niya at luminga-linga sa paligid.

"Ako" sagot sa kanya ng driver na nakaface mask at nakabase ball cap.

Boses babae ito kaya naman napatawa si Kres ng malakas.

"Hahahahahahahahahaha! Puta!" Anya niya at hinugot ang baril sa kanyang tagiliran. Tinutok niya ito sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan.

"Hahahahahahahaha!!! Sabing huwag kang gagawa ng masama eh!" Sigaw niya at lumabas siya sa kotse.

Pinagmamasdan lang siya ng babae at hinihintay ang susunod niyang gagawin.

"Ako pang nanakawan mo?!" Sigaw ulit niya at kumuha ng sigarilyo at sinindihan.

Humithit muna ito ng ilang beses at hinila ang gantilyo ng baril ngunit walang lumabas na putok.

"Puta!" Sigaw ni Kres at hinila niya ulit ng ilang beses ang gantilyo ngunit wala parin.

Biglang may pinakakita sa kanya ang babae sa ere na siyang ikinagulat ni Kres.

"Paanong?!" Takang tanong niya dahil hawak niya ang magazine ng kanyang baril.

Biglang binato ni Kres ang baril sa babae ngunit nakaiwas ito. Sumugod si Kres sa kanya ng suntok sa tagiliran ngunit nakaiwas din ito.

"Putang ina mo! Papatayin kitaaa!!" Sigaw niya sabay sipa ngunit nasangga niya rin ito.

Inikot ng babae ang paa ni Kres kaya naman napasigaw ito ng ubod lakas dahil mukhang nadislocate ang buto nito. Hinila ng babae ang paa nito sabay suntok sa mukha. Ngayon basag naman ng ilong nito at maraming preskong dugo ang dumadaloy sa kanyang mukha.

"Para iyan sa pangkikidnap mo sa akin noon" sabi ng babae. "At eto naman ang pasasalamat niya sayo dahil sa regalo mo kaninang umaga" dagdag niya sabay suntok sa sikmura ni Kres na siyang dahilan upang magsuka ito ng dugo.

Nakahandusay ngayon si Kres sa sementong punong-puno ng kanyang dugo. Hindi siya makapaniwalang babae ang gumagawa nito sa kanya. Naulit ang disgutong naramdaman niya kay Vexia.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon