CHAPTER 10: KIDNAPPED

573 10 2
                                    

LIYA'S POV

Tatlong linggo na namin dito sa Pilipinas at tatlong linggo ko na ring pinapalampas ang mga pakulo ng Tomato Quintette. Pinaglalaruan nila ako at ako namang si inosent girl na hinahayaan lang sila. Nag eenjoy ako eh, sa tuwing magtatagumpay silang tapunan ako ng juice, ilock ako sa CR (pero nasisira ko naman), at laging tawagin ng MMS - Malanding Mang aagaw ng Syota. Oh diba? May Title na akong hinahawakan sa eskwelahang ito! *insert sarcastic smile here*

Tulad ngayon, Merkoles, tiyak tatapunan na naman ako ng juice. Dahil vacant ko nandito ako ngayon sa cafeteria at tahimik na kumakain ng cheesecake. Alam narin ng KG6 ang tungkol dito pero hinahayaan lang nila ako sa gusto kong mangyari basta ang importante walang mae-eliminate sa kanila. Labag kasi sa patakaran ni Vexia, bawal mandamay kung hindi sila ang target. Nangangati narin ang kamay kong pag uuntugin sila para maalog ang utak nila at mas lalo akong ma-excite sa mga gagawin nila. Kailangan na nilang lubusin ang mga araw na mabait ako dahil malapit na akong mabored at baka bigla ko silang pagbakasyunin sa hostipal.

"Tagal nila, gusto ko ng magshower eh" bulong ko at tumingin sa wrist watch ko. 2pm na pala.

May lumapit sa table ko at inilapag ang tray.

"Mag isa ka lang?" Sabi niya at umupo siya sa harapan ko.

"Ay hindi! May kasama ako!" Sagot ko "Tagal naman ng psycho gf mo!" Dugtong ko.

"Hoy! Hindi ko siya gf!" Depensa niya. "Bakit mo siya hinahanap? Alam mo nagtataka ako sayo, okay na okay lang sayong ibully ka" seryosong tanong niya.

"Nag eenjoy ako eh" sagot ko tapos sumubo ulit.

"Ano?!" Nagtatakang tanong niya na halos lumuwa na ang singkit niyang mga mata.

"Boring kasi kung walang kontrabida sa buhay ng isang tao. Hahahahaha" natatawa kong sagot.

"Ibang klase ka rin no? Kahit anong pigil ko at banta ko kay Abi wala parin" sabi niya tapos kumagat sa cupcake na dala niya. "Magkaiba kasi tayo ng course at sa kasamaang palad blockmates pa kayong dalawa" dugtong niya.

"Haya---"

"Hey MMS! And hi boyfie" putol ng babae sa likuran ko.

Napangisi ako dahil kilala ko siya. Si Abigail.

"Don't call me boyfie Abi" seryosong sabi ni Yowen.

"Zup PG" ganting bati ko sa kanya.

"What did you call me?" Maarteng tanong niya at tumabi kay Yowen.

Agad namang umisod palayo si Yowen sa kanya.

"PG, short term of PSYCHO GIRL" nakangising sagot ko.

Agad naman siyang namula este talagang namumula siya at aakmang kukunin ang juice ni Yowen para itapon sa akin.

"Stop it Abigail!" Sigaw ni Yowen sa kanya at nilayo ang juice.

Napangiti naman si Abigail ng peke at kinuha ang cupcake at sinubo ito.

"Hmmmm, masarap" sabi niya "subuan kita boyfie?" Malanding tanong niya kay Yowen.

"No thanks" iritadong sagot niya.

Nagpatuloy akong kumain at hindi sila pinansin.

"Anyway, kailan ulit ang event sa BlackBox boyfie?" Tanong niya sabay kuha sa juice ni Yowen at uminom.

Eww! Indirect Kiss. Wait! Event? BlackBox? Hmmmm. Sounds F U N

"Shut the fuck up" walang emosyong sagot ni Yowen.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon