CHAPTER 31: BLACKBATT MAFIA

462 6 1
                                    

CLEI'S POV

May naganap na sunog kamakaylan lang sa lungsod ng Maynila. Isa itong abandonadong gusali na sinasabing kuta ng isang grupo ng sindikato. Ayon sa mga pulis ay hindi agsidente ang pagkakasunog dahil may sampung lalaking pugot ang ulo sa loob ng gusali. Kung---

Pinatay ko agad ang tv at tumayo papuntang kusina para kumain.

"Anong pinapanood mo? Anong meron?" Tanong ni Mitch habang nagpapahid ng nutella sa crackers.

Umiling lang ako at umupo.

"Morning" bati ni Vexia at naupo siya.

"Morning" chorus naming bati.

"Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni Zai sabay kagat sa hotdog.

"I don't know" sagot niya at nagsubo din ng hotdog. "Clei. Did you call Cloyd last night?" Tanong niya sa akin.

"Yep, I called him. Bigla ka na lang kasi nawala after ng walang kwentang meeting sa BlackBox" sagot ko at uminom ako ng juice.

"Saan ka ba nanggaling kagabi?" Tanong ni Liya at kumagat sa kanyang sandwich.

"Wala. Nagpahangin lang" sagot niya tapos uminom ng juice.

"Seems you're happy" komento ni Deeja at nakatingin lang siya kay Vexia.

"Not really" sagot niya sabay tayo. "Una na ako sa school" dagdag niya at umalis.

Napatigil at nagkatinginan kaming lahat dahil sa unang pagkakataon ay nauna siyang natapos kumain.

"Si Vexia ba iyon?" Takang tanong ni Liya.

"Is she okay?" Si Gael.

Walang sumagot sa amin at umiling na lang kami. Nang matapos kaming kumain ay nagkanya-kanyang pasok kami sa kotse at pumuntang school.

Nauna nang pumasok ang iba sa kanilang klase habang ako ay nasa 3rd floor palang ang classroom ko. Nakakabwisit. Mag aaral na naman.

Habang naglalakad ako ay may naririnig akong nagchichismisan. Tumingin ako sa kanila at napataas ang kilay ko. Kalalaking tao ay nagchichismisan!

"Totoo kaya na ang BlackCobra ang sinunog kahapon?"

"Tanga! Syempre! Sa kanila ang hide out na iyon! Malamang sila!" Sabi ng isa sabay batok.

Mukhang interesante ang pinag-uusapan nila. Lumiko akong hallway at sumandal sa pader para makinig.

"Mukhang napaka-imposible naman nun. Kasali sila sa Mafia tapos ganun ang nangyari sa kanila"

"Kaya nga pare. Ang brutal eh. Pinugutan na nga, sinunog pa"

Napataas ang kilay ko. Mukhang may kapareha siyang gumawa ng ganon. Tumingin ako sa aking wrist watch. Pakshet!

Dali-dali akong pumasok sa lift at pinindot ang 3. Mabuti naman at pinaayos na ni Cloyd ang lift kung hindi ay hindi talaga ako papasok dahil nasa 3rd floor lahat ng klase ko!

Pagkaliko sa hallway ay may nakabungguan akong babae at pareho kaming napaatras. Naglakad ulit ako at nilagpasan ko siya.

"Sa susunod pwedeng tignan mo ang dinadaanan mo?" Mataray na sabi niya.

Hindi ko siya nilingon at direcho lang ako. Naramdaman kong lumapit siya at hinawakan niya ako sa braso at marahas niya akong pinaikot para magkaharap kami. Tinaasan ko lang siya kilay.

"Hindi ka ba hihingi ng pasensya?" Sabi niya at humalukipkip siya.

Nilingon ko muna ang aking likuran at tinuro ang aking sarili. "Ako?" Kunot noong tanong ko.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon