THIRD PERSON'S POVIsinakay ni Vexia sa kotse ang nanghihinang si Mikhail upang makaalis na sila sa lugar. Habang tinatahak nila ang daan papuntang mansyon ay sinulyapan niya si Mikhail sa rear mirror at nakita niyang nahihirapan na ito, kaya naman mas lalong binilisan pa niya ang pagpapatakbo kahit madulas ang daan.
Nakarating sila sa mansyon habang nakapinta naman ang pagtataka sa mga mukha ng KG3 na sumalubong sa kanila.
"Anyare?!" Kunot noong tanong ni Clei at pinagmamasdan ang pinsan na akay-akay si Mikhail.
"Naghabulan kayo sa putikan?" Si Zai at kumagat sa sandwich.
"Lab" tipid na komento ni Mitch at tinulungan si Vexia.
Nang makarating sila sa second floor ay agad nakapamaywang si Mitch sa harapan ni Mikhail.
"Undress yourself" utos niya sabay talikod.
"I-I'll tr-try" sagot ni Mikhail at nahihirapan siyang tanggalin ang botones ng kanyang polo.
Hindi nakatiis si Vexia at linapitan niya si Mikhail upang tulungan itong tanggalin ang kanyang polo.
"Th-thank you" bulong ni Mikhail at sumandal sa headboard ng kama.
"Paliguan mo na rin siya Vex. Tignan mo naman ang dungis" si Mitch at may hinahanda siyang gamot.
"Tss" si Vexia. "Kaya mo?" Tanong niya sa binata.
Umiling lang si Mikhail kaya naman napabuntong hininga lang si Vexia. Lumapit si Mitch kay Mikhail at hinawakan niya ito sa braso.
"It will ease the pain" si Mitch at tinurukan niya ito ng kulay puting likido. "Pwede kang humiyaw" dagdag pa niya.
Napalingon na lang si Mikhail sa kaliwang parte ng kwarto at pilit tiisin ang dumagdag na sakit sa nararamdaman. Masakit talaga ang tinurok sa kanya ngunit unti-unting nawawala narin ito sa kanyang katawan. Namamangha siyang napatingin kay Mitch.
"Thank you" bulong niya.
Kumindat lang ang dalaga. "Makakaramdam ka ng antok maya-maya kaya ngayon maligo ka muna" sabi niya. "Take care, team MikXia" dagdag niya.
Umalis na si Mitch at natira na lang silang dalawa.
"Thank you" si Mikhail at ngumiti kay Vexia.
Tumango lang ang dalaga at humalukipkip.
"Com--"
"How di--"
"Okay" si Vexia at nakatingin lang siya sa binata.
"How did you find me?" Tanong niya.
"This" sagot ni Vexia at pinakita niya ang umiilaw na aparato.
"A tracking device?" Hindi siguradong tanong sagot niya.
"As you can see" monotone na sagot ng dalaga.
"But how?" Naguguluhang tanong parin niya.
Hindi nagsisink-in sa utak ni Mikhail kung bakit at paano ang nangyayari. Bakit may tracking device si Vexia? Para saan? Para sa kanya?
"Ang bantot mo. Maligo ka na" si Vexia at tinalikuran niya ang binata. "Sa third floor ka na maligo. Magpapakuha na lang ako ng gamit panlalaki para sayo kaysa sirain mo na naman mga damit ko" pinal na sabi niya at umalis na siya.
"Vex! Sandali!" Sigaw ng binata at bumaba sa kama.
"Ano?" Si Vexia at nilingon ang binata.
"Why?" Alinlangan niyang tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/16178349-288-k242916.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.