CHAPTER 50: AUCTION

200 8 1
                                    


THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos kumanta ng KG7 at ang hiyawan ng mga tao ay nakaupo lang sila sa tabi kung saan ia-auction sila ni Cloyd. Nakahalukipkip ang anim na dalaga habang pinapatay nila ng tingin si Cloyd. Naikorner na sila at wala nang back out na mangyayari. Tutal ay nandito na rin lang sila ay tatapusin na.

Inexplain ni Cloyd sa crowd ang sistema ng auction, paramihan lang ng pera para maidate sila. Magiging date nila ang kanilang napili ng 10 oras. Mula umaga hanggang gabi. Ang naunang in-auction ay si Mitch.

"From Pharmacy Department, please welcome Cai Mitch Abbey! She stands 5 feet and 8 inches. She loves reading books specially pharmaceutical books and loves hanging out with her laboratory" pagdedescribe on the spot sa kanya ni Cloyd.

Napangiti naman siya ng peke at rumampa lang sa stage hanggang tumigil siya sa harapan at pilit ngumiti.

"The bid starts at 5 thousand pesos" dagdag nito.

"10 thousand!" Sigaw ng isang lalaki.

"She's mine! 47 thousand!" Sigaw ni Jeff at agad umakyat sa stage at hinalikan si Mitch sa pisngi.

"Okay. Jealous boyfriend is here. She's all yours Mr. Castillo" nakangising sabi ni Cloyd.

"Yeah buddy" sagot ni Jeff at binigay kay Gael ang pera.

"Buuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuh!!!!!" Sigaw ng crowd.

"Ano?! Suntukan!?" Sigaw din niya sa crowd.

Tumawa lang at pumalakpak ang crowd habang si Mitch ay nangangamatis na sa sobrang pula ng mukha.

"Okay, thank you Mr. Castillo. Next in line we have Kazaira Gaudi" tawag ni Cloyd.

Tumayo naman si Zai at ginaya ang ginawa ni Mitch.

"Kazaira Gaudi is from the Department of Information Technology, she stands 5 feet and 8 inches. She loves tracking people, I mean, she loves computers and cellphones. Her hobby is surfing the internet and surfing the internet" sabi ni Cloyd dahil wala na siyang ibang maisip na ginagawa ni Zai bukod sa pag-iinternet 24/7.

Pasimpleng inirapan naman siya ni Zai at ngumiti ng matamis sa crowd.

"The bid starts at 5 thousand pe--"

"28 thousand! 28 thousand lang ang cash ko!" Sigaw naman ni Ian mula sa backstage.

"30 thousand!" Sigaw naman ng lalaki.

"28 thousand and 500 pesos plus my 4 doors hummer!" Si Ian ulit at pinakita ang susi ng kanyang hummer.

Natahimik naman bigla ang lalaki at umupo na lang ulit dahil alam niyang wala siyang panama sa future CEO sa isang malaking kumpanya.

"Okay, another jealous boyfriend" natatawang sabi ni Cloyd. "Thank you Mr. Wanhalder you can now give the money and your keys to my wonderful assistant" dagdag niya.

"Next we have Deeja Kolleen Alcott from Marketing Department. She stands 5 feet and 6 inches. Her best talent is observing people and she's a mind reader too but not a furtune teller" natatawang sabi ni Cloyd.

Walang ka-effort effort na rumampa si Deeja sa stage at tumigil sa gitna.

"The bid starts at 5 thousand pesos" si Cloyd ulit.

"15 thousand!" Sigaw ng payatot na lalaki.

"20 thousand!" sigaw naman ng matabang lalaki.

"22 thousand!" Sabi naman ng lalaking mukhang gangster.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon