THIRD PERSON'S POVNaalimpungatan si Mikhail dahil sa kalabog na kanyang naririnig. Tinakpan niya ang kanyang mukha at nagtalukbong. Ngunit mas lalong lumakas ang kalabog kaya naman napabalikwas siya mula sa kama. Ginala niya ang kanyang paningin at napagtanto niyang wala siya sa kanyang kwarto.
"Oo nga pala" bulong niya dahil naalala niyang nasa bahay nga pala siya ni Vexia.
Bumaba siya sa papuntang kusina at kumunot-noo siya. Nakita niyang napakagulo ng kusina at punong-puno ng harina ang sahig. Isama na rin ang mukhang binagyong kitchen counter sa dami groceries na nakapatong.
"Good morning" bati niya sa dalagang nakahawak ng rolling pin at puting-puti ang kamay na mukhang harina.
"Morning" ganting sagot niya at naglagay siya ng isang tray sa oven.
"Marunong ka palang magluto" asar niya nang makalapit siya sa dalaga.
"I am a fast learner" sagot niya habang naghuhugas ng kamay.
"I agree" sang ayon ni Mikhail habang tinapunan niya ng tingin ang cook book sa lamesa.
"Pizza for breakfast" komento niya.
"Bakit hindi ba pwedeng kumain ng pizza for breakfast?" Taas kilay na tanong naman niya.
"I didn't say that" natatawang sagot ni Mikhail at halata sa mukha niyang na-amused siya sa dalaga.
Fast learner nga sa isip niya.
"Tss" si Vexia at may nilabas siyang isa pang tray mula sa oven.
Ginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kusina dahil malaki ito at kumpleto ang gamit. Parang kusina lang sa Master Chef.
Umupo lang siya sa high stool at nangalumbaba habang pinagmamasdan ang dalagang nagpre-prepare ng kanilang breakfast. Feeling tuloy niya mag-asawa sila at pinagsisilbihan siya.
"What's with that cheshire cat smile painted on your face?" Tanong ni Vexia habang nakakunot noo.
"Bakit hindi ba pwedeng magsmile sa umaga?" Si Mikhail.
"I didn't say that" sarkastikong sagot ng dalaga.
"Why you keep me falling for you everyday?" Wala sa loob na tanong ni Mikhail habang pinagmamasdan ang dalaga.
Natahimik naman si Vexia ng ilang segundo at hindi nakasagot. Nagkuwaring hindi niya narinig ang sinabi ng binata pero halatang nate-tense siya.
Oh cazzo! I didn't expect that! (Oh fuck!) Mura niya sa kanyang isip.
And stop hyperventilating! Sa kanyang puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
Nagbuzzer ang oven at halos mapalundag siya sa sobrang gulat.
What's happening to me?! Sa utak ulit niya dahil hindi siya makapagconcentrate sa kanyang ginagawa. At ngayon lang ito nangyari sa kanya.
Nagsimula na silang kumain ng continental breakfast na inihanda niya at tinuon na lang niya dito ang kanyang pansin. Madali lang naman siyang natuto sa pagpre-pare dahil sa cook book at inutusan niya si Butler William na magpadala ng groceries. At dahil doon ay nalaman ng kanyang Zio Ernesto na nasa Rebecchini Hights siya kaya naman tuwang-tuwa ang matanda at kanina pang alas-sais tawag ng tawag. Gusto rin niyang magpadala ng kasambahay ngunit tinanggihan niya ito.
"Stop staring at me" nagtitimping sabi niya dahil hindi lingid sa kanyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Mikhail.
"I can't help it" sagot niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomantiekSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.