THIRD PERSON'S POVKasalukuyang sinasakay sa van ng mga tauhan ng Big Boss ang limang lalaking inaakala nilang patay na. Dinadala nila ang mga bangkay ng namamatay na gangsters sa isang warehouse malapit sa tambakan ng basura upang ilibing ang mga ito. Naging ganito ang panibagong rules sa BlackBox dahil na rin sa utos ng nakakataas sa kanila.
Nilabas nila sa van ang mga bangkay upang ilagay sa hukay ng biglang nagising si Kyle at sumigaw ng "Vexia"
Napalingon sa kanya ang mga lalaking naghuhukay at tila nabalot sila ng takot. Di kaya'y minumulto na sila. Nagkatinginan ang mga lalaki na waring nagsisiutos sila kung sino ang titingin sa sumigaw.May lumapit kay Kyle at kinalabit niya ito gamit ng kanyang paa. Kahit nahihilo si Kyle ay nakaya niyang bumangon at tadyakan ang lalaki. Nagising na rin ang iba niyang kasamahan at nakapinta sa kanilang mga mukha ang pagkagulat. Ang panghuling naaalala nila ay ang pakikipaglaban sa mga Royals.
"Ba-bakit buhay pa k-kayo?!" Nauutal na tanong ng isang lalaki.
May kumuha ng cellphone sa kanila at may tinawagan "Boss. Hindi patay ang rank 2" sabi niya.
Agad namang kinuha ni Kyle ang kanyang baril at pinaputukan ang lalaki. Ganun din ang ginawa ng kanyang kasamahan. Hirap na nilapitan ni Kyle ang lalaking nakahawak ng cellphone at kinuha ito sabay pindot sa end call.
*************************
Kanya-kanyang lakad ngayon ang KG6 maliban kay Vexia na nasa garden lang sa 3rd floor at nagpapahangin. Wala siyang iniisip at mukhang neutral lang ang kanyang utak. Kailangan niyang makahanap ng 'peace in mind' upang isakatuparan ang kanyang mission dahil tiyak hindi gagalaw ang KG6.
"Marcus Damasco" mapait na sambit niya.
Nawala ang kanyang pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinapunan niya lang ito ng tingin at nakita niyang si Mikhail ang tumatawag. Napakagat labi siya at kinuha ang cellphone. Pinagmasdan niya lang ito hanggang missed call na lang. Bumuntong hininga siya at tumingin sa kanyang paligid. Malago ang mga halaman at namumulaklak ito.
Ganyan talaga kapag inaalagaan mo. Nagiging makulay at mabuhay ito. Sa utak niya.
Nagring ulit ang kanyang cellphone at hindi niya ito tinignan sabay sagot. Hindi siya nagsalita at hinintay niya lang itong magsalita.
"Vexia"
Bumuntong hininga lang si Vexia bilang sagot ngunit sapat na sa kabilang linya upang magsalita ulit ito.
"Meet me at the Barry's in an hour" sabi niya.
Bumuntong hininga ulit si Vexia at sumagot ng "okay" sabay end call. Nagtungo siyang kwarto upang magpalit ng damit at pumuntang Barry's. Pagdating niya ay may kumaway sa kanyang nakabase ball cap at naka sunglasses na lalaki. Umupo siya sa harapan ng lalaki at tinanggal nito ang kanyang sunglasses.
"Vexia" sabi niya.
Hindi sumagot si Vexia at direchong tingin lang siya sa lalaki.
"Ikaw ang leader ng Royals" anas niya. Hindi ito patanong kundi kumpirmasyon.
"Does it bother you?" Malamig na sagot niya.
"I'm just surprised" monotone na sabi niya. "I don't have any idea kung sino ang Royals" dagdag niya.
"Spill it out Kyle" si Vexia dahil naramdaman niyang may gusto itong tanungin. Luminga siya sa paligid at nakita niyang nandito rin ang mga gangmates niya. Tinapunan niya lang ang mga ito ng malamig na tingin at mukhang nasindak naman sila dahil umiwas sila.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.