THIRD PERSON'S POV
Katatapos lang ng klase ni Gael at papunta na siya sa extra class niyang Filipino. Nagrequest pa siya kay Mr. Oliveros ng ibang araw para dito. Gusto niya kasing pagtuunan ng pansin ang pagtatagalog para naman hindi na siya nagbubuklat ng dictionary kung may sinasabi silang hindi niya maintindihan at ayaw na rin niyang matawag na "conyo".
Lumiko siya sa hallway nang biglang may bumato sa kanya ng itlog. Bago pa man tumama sa kanya ay nailagan na niya ito.
"What the?" Takang sabi niya at napatingin siya sa sahig "egg?" Dagdag niya.
May bumato ulit sa kanya at agad din niya itong inilagan. Agad dumami ang itlog na papunta sa kanya at agad naman niya itong nailagan lahat. Para siyang nagsasayaw habang iniilagan niya ang mala-ulan na pagbato ng itlog.
"Fanculo!" (Fuck!) Sigaw niya dahil sa pag iwas apakan ang basag na itlog sa sahig. Nagkalat na kasi ito kaya siguradong kapag inapakan niya ay madudulas siya.
May bumato papunta sa kanyang ulo ngunit bigla niyang nilabas ang kanyang maliit na kutsilyo at pinalipad ito dahilan upang mabasag sa ere ang itlog. Nagdirecho ang kutsilyo kung saan nagmula ang itlog. Tumigil ang pagbato sa kanya at madilim ang kanyang aura palapit sa babaeng natigilan dahil dumudugo ang kanyang kanang pisngi. Nadaplisan siya ng maliit na kutsilyo na ngayon ay nakabaon sa kahoy na pintuan.
"Run!" Galit niyang sigaw sa mga babaeng bumato sa kanya ng itlog.
Hindi na sila nagdalawang isip at agad silang tumalima dahil sa takot at sa madilim na aura ni Gael. Naiwan si Gianne na nagulat dahil hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari sa kanyang plano.
"Tell me not to kill you" seryosong sabi ni Gael.
"Hahaha! Tapang mo ah!" Pasigaw na sagot niya at pinahid ang dugo sa kanyang pisngi.
Hindi sumagot si Gael at lumapit siya kay Gianne.
"Listen stupid bitch" sabi niya at hinugot ang kutsilyo at tinutok sa kanyang leeg. "Do not under estimate "The Hilaw Pilipina" because you don't know what I am capable of." Dagdag niya at diniinan ang pagkakasabi ng The Hilaw Pilipina.
Nagsukatan muna sila ng tingin hanggang si Gianne na rin ang unang nag iwas dahil hindi niya kayang salubungin ang malamig na tingin sa kanya ni Gael.
"Good girl" sabi niya sabay tapik sa kaliwang pisngi ni Gianne.
Tumalikod na si Gael at pinagpatuloy ang paglalakad ngunit hindi pa pala nagtatapos ang binabalak ni Gianne. Bigla siyang nagpalipad ng kutsilyo patungo sa kanya. Pero dahil sa pagiging assassin, ay nahasa na ang kanyang talento upang makiramdam sa paligid, ay agad siyang umikot at sinalo ang kutsilyo sabay pinalipad pabalik kay Gianne. Dumaplis ang kutsilyo sa kaliwang pisngi niya na ngayon ay napahiyaw siya sa sobrang hapdi.
"Backstabber bitch!" Sigaw niya. "Khong may permission lahng akohng pa tayin kah ay ginahwa koh nah" dagdag na bulong niya.
Nagdirecho na siyang maglakad habang si Gianne ay naiwang natigilan at halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Nanginginig niyang pinahid ang sariling dugo sa kanyang pisngi gamit ang daliri at tinignan niya ito. Hindi siya makapaniwalang may taong gagawa ng ganun sa tanang buhay niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at biglang nanginig ang kanyang tuhod.
ZAI'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Gael dahil hinahanap siya sa akin ni Cloyd. Hindi daw siya pumasok sa extra class niya. Nakatatlong dial na ako pero wala paring sagot. At hindi ko alam kung bakit ako palagi ang kanilang tinatawag kapag may kailangan. Ano ako? Google? Google Map na nga ay Google Search pa! Kulang na lang ay Google Traslate! Napapabuntong hininga na lang ako habang tinitrace si Gael. Alam kong nandito lang siya sa loob ng eskwelahan dahil ito ang sinasabi ng transmitter na hawak ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
Storie d'amoreSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
