MIKHAIL'S POV
"I...I'm...Sorry" bulong niya sa akin.
Agad nagpanting ang tenga ko at namanhid ang aking buong katawan. Hirap na hirap akong kumakalas sa pagkakayap sa kanya dahil parang napapaso ako. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib at mapait na likido sa aking lalamunan. Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang. Pakiramdam ko ay naestatwa na ako sa aking kinatatayuan at bumibigat ang talukap ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko siyang umalis hanggang ni anino niya ay nawala na rin.
Bakit?
Bakit Vexia?
Bakit?
Mabibigat ang mga yabag kong naglalakad sa madilim na hallway, pakiramdam ko ay nakikiramay ang buong paligid sa akin. Walang direksyon ang aking mga paa hanggang makarating ako sa parking area. Binuhay ko ng makina at nagmadaling umalis.
*******
"Isang bote pa" utos ko sa bartender.
"Ehhh Sir. pasara na po kami" sagot niya.
"Magkano ba ang bar na ito at bibilhin ko?" Tanong ko at linabas ang aking credit card.
"Sir pasensya na po talaga pero---"
"Ako nang bahala dito" boses ng isang babae.
Hindi ko liningon ang babae at tinungga ko ang pang sampung beer na iniinom ko. Amputek! Sing pait ng alak ang nararamdaman ko at sing lamig naman nito ang trato sa akin ni Vexia. Shet na iyan! Kung kelan ka iibig ng todo at totoo dun ka pa magagago. Putapete talaga! Pesteng puso yan! Sa babaeng yelo pa tumibok!
"Mikhail, you're drunk" sabi sa akin ng babae.
Liningon ko siya at tumungga ng beer.
"Ihahatid na kita" dagdag niya.
"Tsk. Kaya ko ang sarili ko" sabi ko at tumungga ulit.
"Hindi porket nabasted ka ay magkakaganyan ka na" sabi niya sabay upo sa tabi ko. "Ganyan talaga kapag hindi nakalaan para sayo" dagdag niya.
"Tsk"
"Sabi ko naman kasi sayo Mikhail, marami diyang iba sa tabi-tabi. Malay mo siya na pala" siya ulit at nangalumbaba siya sa table. Inabutan naman siya agad ng beer.
"Tsk. Aanhin ko ang iba kung hindi naman siya?" Pabalang kong sagot.
"Lasing ka lang. Halika hatid na kita" siya ulit.
Hindi ako sumagot at tumungga lang ako ng beer. Nagsalita ulit siya ngunit ang diwa ko ay ukopado na ni Vexia. Kahit ilang alak pa ang laklakin ko ay hindi ko siya makalimutan pati na rin ang sakit na dinanas ko sa kanya.
"Kung hindi ka niya mahal, pagselosin mo siya" rinig kong sabi niya.
Napatigil naman ako at napatingin sa kanya.
"Malay mo gumana" nakangiting sabi niya.
Napaisip naman ako.
"Dinerecho na niya akong ayaw niya sa akin. Sa tingin mo gagana yang sinasabi mo?" Walang interes kong sagot tanong.
"Doon nga natin malalaman kung totoo ang sinasabi niya o hindi" kumbinsi niya sa akin. "Give it a try Mikhail, kung mahal mo ipaglaban mo" dagdag niya.
Kung mahal mo ipaglaban mo
Tama siya
"Sige, at sino naman ang babaeng pagseselosan niya kung sakali?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
