CHAPTER 16: SPORTFEST 4

525 5 0
                                    

DAY4

DEEJA'S POV

BEEP BEEP BEEP BEEP *text message*

Inabot ang cellphone ko sa table at sinilip kung sinong nagtext.

"Morning Dee :3"

"Huh. Baliw" anas ko at nagkumot ulit.

BEEP BEEP BEEP BEEP *text message*

Binasa ko ulit ang message. Imessage. Picture ni Redie.

"Redie says good morning" ang nakacaption.

"Nababaliw na talaga ang lalaking ito. Hindi lang yata ang paa niya ang nasipa sa kanya kahapon, pati yata ulo." Bulong ko at nilagay ang cellphone ko sa table.

Tumayo na ako at pumuntang banyo. Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na ko papuntang kusina. Dinala ko narin ang red jersey namin at soccer shorts. Championship na mamaya ng Soccer Girls. Haaay. Boring na naman iyon tiyak.

"Morning girls" bati ko sa kanila.

"Morning" ganting bati nila.

"Wow! Late ka ngayon ah" si Clei at humikab pa.

"Anong nangyari sa inyo ni Layden?" Tanong ni Zai at tumingin ng makahulugan sa akin.

"Wala. Hinatid ko lang sa condo niya." Sagot ko.

Umupo ako sa tabi ni Mitch at naglagay ng cereals sa bowl. Naglagay din ako ng gatas sa bowl at nagsimula na akong sumubo.

"What?" Si Gael.

"Hinatid. I drove him home" sagot ko.

Yong totoo, may natututunan ba siya sa dictionary'ing binabasa niya?

"Ah. That's why i saw the two of you hugging each other at the parking lot" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Huh? We hugged? Kahapon?

"What?" Si Mitch.

"Really?" Si Clei.

"Oh?" Si Zai.

"Mehehehehehe" tawa ni Liyang nakakaasar.

Nakatingin lahat sila sa akin maliban kay Vexia na lumalamon.

"Hindi kami nagyakapan okay? Inalalayan ko lang siyang maglakad kasi nga nainjured siya." Bored kong sagot.

Nakita pala ni Gael iyon.

"Ahhhh" chorus na sagot nila. Nagsibalik kami sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kaming School. Dumirecho kaming soccer field at nagwarm up. Umagang umaga ay marami nang tao. Ano ba yan. Hindi ba sila natutulog?

"Good Morning Everyone. Teams A and D please be ready for the Championship of Soccer Girls." Announcer.

"Haaay. Boring na naman ito." Si Clei at bumuntong hininga.

"Kayo na lang ang maglalaro" si Vexia at umupo sa bleachers, malapit sa field.

"Oo. Kaya niyo na iyan" segunda ni Mitch.

Tinamad nanaman sila. Sabagay nakakatamad naman talaga.

VEXIA'S POV

Nagsimula na ang laro. Hindi ko na idedescribe kung anong nangyayari dahil alam niyo na ang sagot =______=

Tumayo ako para pumuntang banyo.

"San ka pupunta?" Tanong ni Mitch. Hindi siya tumingin sa akin dahil busy siyang nagsstalk sa instagram.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon