CHAPTER 26: AUTHENTIC SMILE

479 11 1
                                    

MIKHAIL'S POV

Naalimpungatan at pupungas pungas na ginala ko ang aking paningin. Kailan pa naging kulay puti at ginto ang aking kwarto? At bakit punong puno ng pictures na nakadikit sa dingding sa taas ng headboard ng kama? Napakunot noo ako dahil hindi ko pala ito kwarto.

Ginala ko pa ang aking paningin at tumambad sa akin ang mahimbing nanatutulog na si Vexia. Bigla akong napangiti dahil siya ang nag alaga sa akin kagabi. Hindi naman pala siya cold hearted. Sa mukha at ekspresyon lang pala siya malamig.

Umupo ako sa couch at nag inat, may narinig akong nagcrack, ang sikip naman ng polo ko. Napatingin ako sa katawan ko at sabay kunot noo. Hindi sa akin ito ah. Bakit ganito ang suot ko? Pambabae ito! Amputek! Hindi kaya binihisan niya ako? Tumayo ako palapit sa kanya sabay...

BOOOOOOOOOOOOG

Nadapa ako at may biglang sumipa sa tyan ko. Halos maduling ako sa lakas ng pagkakasipa sa akin.

"Ay!!! Mikhail! He he he" si Vexia at nagkakamot ng ulo.

"Ahh! Aray ko! Ahhh. Masakit." daing ko at namimilipit ako sa sahig.

"He he he. Okay ka lang?" Sabi niya at tinulungan niya akong tumayo.

"Hindi a--

BOOOOOOOOOOOG

Nadapa ulit ako. Ano ba kasi itong damit ko. Napatingin ako sa full length mirror sa nakabukas na walk in closet at tumambad ang itsura kong nakapalda???!! Mahabang palda, pink pullover at makulay na medyas?!?!?

"You liked it?" Nakakalokong tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at inirapan siya.

"Wow! Ang ganda ko" sabi ko at naupo ulit ako sa couch.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!! Hahahahahahahahahahahaha!!! Hahahahahahahahahaha! My stomach hurts! Hahahahahahahaha" malakas na tawa niya habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa kanyang tyan.

Natigilan ako at pinagmasdan ko lang siya. Marunong pala siyang tumawa. Napakasarap pakinggang ang tawa niya. Parang nakakagaan ng loob.

"You have the most adorable laugh." Nakangiting sabi ko.

Agad naman siyang natigilan at tumingin sa akin.

"Thanks." Tipid niyang sagot at parang nahihiyang ngumiti.

"Did you take my clothes off?" Nagtatakang tanong ko.

"I can set a bomb without lights on" sagot niya.

"What?!?" Biglang nanlaki ang aking mga mata.

"Kiddin'. Yeah I changed you" sabi niya at tumalikod. Pagbalik niya ay may binigay siya sa akin. Mukhang mga damit ko.

"You can change there" sabi niya sabay turo sa pintuan. Mukhang ito ang banyo.

"I can't walk" sabi ko. Paano ako pupuntang banyo kung ang sikip ng palda. Hindi ako makapaglakad ng maayos at baka masira ko pa ang palda niya.

"You can change here then. I won't mind" sabi niya at binuksan ang sliding door papuntang balcony.

Agad naman akong nagbihis. Mabuti naman at tuyo na ito. Hindi ko pa nailalagay ang polo ko nang pumasok siya ulit sa loob na may hawak hawak na may medyo kalakihang paso.

Agad naman akong lumapit sa kanya para tulungan siya.

"I can handle this. Baka mapano ka pa." Sabi niya.

"No I'm okay. Mabigat ito" sabi ko.

"I said I can handle this Mikhail" sabi niya at pinipilit ilayo ang paso.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon