CHAPTER 68: REAPERS AND GANGSTERS

242 13 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Umalis agad sila sa BlackBox upang puntahan ang mga walang malay na mga Shixies sa likuran ng gusali. Isinakay nila ito sa isang van at dinala sa mansyon ni Deeja.

"Sure kayong hindi chismosa ang mga ito kapag nagising?" Tanong ni Clei habang isinasakay nila isa-isa ang mga ito sa elevator papuntang guest room.

"Eh di putulin mo ang dila kapag nagsalita. Simple di ba?" Asar sa kanya ni Deeja.

"Tse! Kanina ka pa!" Si Clei ulit.

Pinahiga nila sa kama ang Shixies at namaywang sila sa harapan ng mga ito.

"Iang oras ang epekto ng lason mo?" Tanong ni Zai kay Mitch.

"30 minutes lang. Kunti lang ang nilagay kong lason sa needles" sagot niya.

Napansin nilang unang gumalaw si Xai at bigla na lang itong bumangon. Agad namang napangiti si Mitch.

"Nasaan ako?" Takang tanong niya at palinga-linga sa paligid. "Xawie?" Sabi niya sa kanyang katabi at niyugyog ito.

"Te! Ayos ka lang?" Pukaw na tanong sa kanya ni Clei dahil hindi pa niya alam ang kanilang presensya.

"Huh?" Naguguluhang sambit ni Xai.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Mitch.

"Hindi okay at masakit ang leeg ko" sagot niya at hinimas niya ang kanyang leeg. "Pero teka, nasaan ako? At bakit kayo nandito?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Malamang nasa mansyon kita" sagot ni Deeja.

"Di nga te?!" Si Xai ulit.

"We are the Royals. You are all dead in everyone's eye." si Vexia at ang tinutukoy niya ay ang mga tao kanina sa BlackBox.

"Ah oo. Naalala ko na" seryosong sagot ni Xai.

Mukhang nagising narin ang kanyang mga kasamahan at pare-pareho silang nakakunot noo.

"Royals" si Xai sa kanila.

Agad kinuha ni Xawie ang kanyang kunai at binato kay Vexia. Agad namang nasalo ni Vexia ito at binato pabalik sa kanya, nadaplisan lang sa pisngi si Xawie at bumaon sa isang painting ang kunai nito.

"Vex naman eh! Mahal iyon!" Maktol ni Deeja.

"Relax Xawie. They didn't kill us" si Xai ulit.

"Huwag muna kayong magpakita sa BlackBox o sa mga natitirang gangsters doon" si Liya.

"For the first time, we spared lives" bulong ni Gael.

"Surprising isn't?" Si Zai.

"You know, pinatay na namin kayo. Mga ganun?!" Si Mitch.

"Anong tinusok mo sa amin" tanong ni Barbie.

"Secret. Baka gayahin mo pa" sagot ni Mitch sabay irap.

Umingos lang si Barbie bilang sagot.

"For now, magpahinga muna kayo. Bukas na lang kayo umuwi o ano" alok ni Deeja.

"And don't dare to tell anyone about us. If you do, I won't spare your lives anymore" banta ni Vexia.

"Oo naman. Don't worry" paninigurado ni Xai. "Royals" bulong niya ulit.

Tumango lang ang iba sa kanila habang si Xawie ay masamang nakatingin lang kay Vexia.

"But first, pwedeng kumain? Nagutom kasi ako" nahihiyang sabi ni KC.

Napatingin naman ang KG7 sa kanya.

"Okay" sagot ni Deeja.

Pumunta silang lahat sa salas habang hinihintay nila ang kanilang inorder sa Jollibee, Chowking, Starbucks, KFC at Greenwich. Nang makarating ang kanilang inorder ay halos magkaroon ng barangay fiesta sa mansyon ni Deeja dahil sangkatutak ang kanilang inorder.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon