CLOYD'S POV
Pagdating ko sa Condo ay binuklat ko agad ang folder. Laking gulat ko dahil listahan ito ng iba't ibang gangs. Hindi ko sila kilala at wala rin sila sa BlackBox list. Habang binabasa ko ang listahan ay napamulagat ako dahil nandito rin ang Traste Sons, KM's at Preus. Binuklat ko pa ang ibang pages at tumambad sa akin ang litrato ng leader at members nito. Nakalagay din dito ang address nila, kumpletong pangalan at codenames. Detalyado ang impormasyon at parang hinalungkat talaga ang tungkol sa kanila. At nalaman ko rin na ang mga gangs na ito ay hawak ng BlackBatt Mafia.
Nilapag ko sa study table ang folder at pumikit ako. Sumakit tuloy ang ulo ko. Habang hinihilot ang aking sentido ay napapaisip ako, sila kaya ang nasa likod ng mga nangyari sa amin ng tatlong taon? Sila kaya ang nagpasabog sa motor ni Ken? Sila rin kaya ang umaabang sa amin sa bar? Nako naman! Bakit ba hindi na lang nila tanggapin na hindi nila kami kaya?
Pero sa isang banda ay bakit binigay ito sa akin ni Vexia? Anong dahilan niya? Paano siya nakakuha ng ganitong impormasyon. Napailing na lang ako dahil naalala ko bigla si Zai.
Tell to your friends to stop playing games with us, umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya. Hindi kaya sila ang tinatarget ngayon? Pero bakit?
I might do something bloody these days, wrong move friends.
Sasabihin ko kaya ito sa kanila o hahayaan ko sina Vexia ang tumapos sa kanila? Aba! Kung mangyari iyon wala ng manggugulo sa amin pero nakakamiss kayang may matanggap na threat!
MIKHAIL'S POV
Mag aalas singko na nang madaling araw at hindi parin ako masyadong nakakatulog. Halos gising ang diwa ko buong magdamag dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Ano ang binigay niya kanina kay Cloyd? Hindi ako naniniwalang paper works lang ito dahil pwede naman niyang ibigay sa school at nagpunta pa talaga siya dito sa Condo. Kakaiba talaga siya kagabi. Hindi ordinaryong Vexia ang nakita ko. Masyadong seryoso kung paper works lang. May kung anong bumabagabag sa akin. Dapat kong malaman kung ano yon. Pero sa isang banda ay pumunta si Vexia sa dito sa Condo ko!!!! Sa loob ng Condo ko! Ang nag iisang babae na tumapak sa condo ko! Bwahahahaha! *bading mode on*
Bumangon na ako at pumuntang kusina. Ano na naman kaya ang lulutuin ko neto. Binuksan ko ang ref at nakita kong may itlog. Nagluto na ako at kumain. Nakaligo na rin ako at nakabihis. Palabas na ako ng Condo nang nakita kong palabas na rin si Cloyd.
"Morning" bati ko sa kanya.
Hindi niya ako narinig kaya tinapik ko siya.
"Oh Mikhail, nandyan ka na pala" sabi niya at mukhang nagulat pa.
"Good Morning!" Masiglang bati nila Layden at Jeff.
Tumango lang ako at pumunta ng elevator. Sumunod na rin ang iba. Habang nasa elevator ay napansin ko ang folder na hawak ni Cloyd. Mukhang ito ang binigay ni Vexia kagabi. Naramdaman ni Cloyd na nakatingin ako sa folder.
"Paper Works" sabi niya at tinaas ang folder.
Tumango lang ako.
"Ang importante naman nyan. Talagang hindi na siya naghintay ng bukas" komento ni Ian.
Bumukas ang elevator at lumabas kami. Tahimik lang kaming nakikinig.
"Oo nga eh. Pinagpuyatan ko pa yan" sagot niya at nauna na siyang pumasok sa kotse niya.
Mukhang paper works nga at mukhang hindi nga siya nakatulog tulad ko.
LDVU
Naghiwalay at nagkanya kanya na kaming pasok kaya naman mag isa na akong naglalakad sa hallway at napapahikab ako. Inaantok tuloy ako. Bwisit naman kase. Paper works lang naman pala ang binigay. Bakit pa kasi ako nag iisip ng kung ano ano. Haaaaaay. Humikab ulit ako.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
Storie d'amoreSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.