MITCH'S POV
Kanina pa kami naglalaro ng Assassin's Creed at kanina pa natatalo ang dalawang engot na nagngangalang Jeff at Layden.
"Galing galingan ninyo naman! Nakakaboring na kayo eh" sabi ko sabay upo sa couch.
"Ang yabang mo ha!" Sigaw ni Jeff at uminom siya ng orange juice.
"Akala ko ba mga gangsters kayo? Dapat magaling kayo sa larong ito" si Deeja at umupo sa tabi ko.
"Hindi porket gangsters kami ah" si Jeff at umirap.
"Tomey papsey! At isa pa Assassin's Creed ang title hindi Gangster's Creed" segunda ni Layden.
"Assassins yata kayo eh! Ang galing niyo! Bagsak agad kami ni Layden eh" sigaw Jeff.
Bigla akong natahimik at nafreeze sa sinabi niya. Ganun din si Deeja at naramdaman kong sumeryoso siya.
"Honga paps! Ang brutal! Binaril mo na nga ako tapos sinaksak mo pa ng tatlong beses at pinugutan ng ulo!" Si Layden.
"Hahaha! Pasalamat kayo hindi pa ako naglalaro! Baka magkaphobia kayo sa akin!" Natatawang sabi ni Liya para mawala ang tensyon naming dalawa.
"Try me" Si Owen.
"Sali ako" si Ian.
"Oh well" sabi din ni Zai.
"Go go go go Papseys!" O(≧∇≦)O Jeff.
"Itayo ninyo ang bandiera ng Guardians!" ψ(`∇')ψ Layden
I just smirked. Ginala ko ang paningin ko at nakita kong nagsasoundtrip sina Cloyd at Gael, bale magkashare sila ng earphones, ngunit nakahawak parin ng dictionary si Gael. Sina Mikhail at Vexia naman ay lumalamon? Wow! At kailan pa naging mapagbigay si Vexia sa pagkain? Himala!
VEXIA'S POV
Bakit maraming pagkaing kakaiba dito?!?!? Bakit ang sasarap??!?!? Bakit ngayon lang ako pinauwi ni Mamma?!?!? At Bakit may cheese flavour ang popcorn dito sa Pilipinas??!?
(ಥ‿ಥ)
Subo lang ako ng subo. NOM NOM NOM NOM!! Ang sarap talaga.
"Parang wala ng bukas. Tsk" rinig kong komento ni Mikhail sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin dahil busy akong lumalamon.
"Ang takaw mo! Ubos na oh!" Siya at dumukot sa bowl sa lap ko.
"Kumu...ha..ka..do..on..sa..kusi..na" sabi ko sa pagitan ng pagsubo at pagnguya ko.
"San ba iyon?" Tanong niya.
Uminom muna ako ng orange juice bago sumagot. Grabe! Ang sarap talaga!
"On your left" sabi ko.
"San? Samahan mo ako. Baka mawala pa ako dito eh" siya
Arte naman ng lalaking ito magpapasama pa. Tss.
"Ikaw na" ako.
"Ikaw ang umubos kaya ikaw pa dapat ang kumuha eh at isa pa bisita ako" Siya at ngumisi.
"Tss" sabi ko sabay tayo.
"Sasadndhdnshxnhdtesdhd" sabi niya pero hindi ko naintindihan.
Nagtungo akong kusina at kumuha ako ng tatlong supot nag popcorn sa cupboard at nilagay sa microwave. Pumihit ako palikod at umupo sa high stool. Nandito pala si Mikhail The Tukmol King.
"What?" Pukaw ko sa kanya dahil tinititigan niya ako.
Hindi siya sumagot bagkus naglakad siya palapit sa akin. Kumunot noo ako dahil papalapit na siya ng papalapit. Anong problema niya? Umurong ako kunte pero lumalapit parin siya.

BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomansSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.