CHAPTER 41: LOST

315 9 0
                                    

CLEI'S POV

Kararating lang namin dito sa Villa Residence nila Owen para naman makapagrelax kami dahil sa mga pesteng exams na iyan. Inaayos ko ang aking mga gamit sa kabinet nang maramdaman kong may nagmamatyag sa akin. Agad akong nagtungo sa bintana at sinara ito.

Pagkatapos kong maayos ang aking mga gamit ay lumabas na ako. Pumunta akong garden upang magpahangin. Naupo akong deck chair at pinagmasdan ang magandang tanawin sa aking harapan. Kulay puti at bughaw ang kulay ng paligid at parang nasa Santorini lang ako.

Tumayo ako at pumunta sa railings ng hagdan na semento at nangalumbaba. Naliligo na pala sa dagat ang iba. Nakita kong kumaway sa akin si Zai at gumanti din ako ng kaway sa kanya. Enjoy na enjoy sila kasama ang bf nila habang ako, nandito at nag iisa (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)

"Hoy! Loisa! Anong ginagawa mo diyan?" Sigaw sa akin ng pinakapesteng lalaking nakilala ko.

"Hoy ka rin! Lampacho! Anong ginagawa mo dito?" Ganting sigaw ko sa kanya.

"Umagang-umaga PMS na?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Oo! Lalo na kapag ikaw ang nakikita ko! Lumayas ka nga sa harapan ko!" Sigaw ko. Nakakairita talaga siya!

"Kapag ako nawala tiyak na hahanap-hanapin mo ako" nakangising sabi niya.

"Ang kapal mo" sabi ko sabay irap.

"Ms. Sungit. Bakit ka nga pala nandito? Tara sa kanila" sabi niya at naglakad siya papunta sa akin.

"Mauna ka na" sabi ko at nangalumbaba ulit ako sa railings.

"Halika na" sabi niya at hinawakan niya ako sa kanang pulso at bumaba na siya sa hagdan na semento.

"Kulit mo" sabi ko at nagpatangay na ako.

"Epektib naman" natatawang sabi niya.

Pagkadating namin sa dalampasigan ay pinasa na agad sa akin ang bola ng soccer. Naglalaro pala sina Vexia at Mikhail.

"Sali tayo" sabi ko at pinasa ko kay Mikhail ang bola.

"Sige ba" sang ayon niya at lumapit siya kay Mikhail. "Kung sinong matalo ay may parusa" dagdag niya at nag apir silang dalawa.

"Dami mong alam" sabi ko at pinasa ko kay Vexia ang bola agad naman niyang nakuha ito at sinipa papunta sa net nila.

"Goal!" Bored kong sigaw.

Boring naman dahil alam na kung sinong mananalo -______-

Dahil walang goal keeper ay free kick lang kaming lahat. Walang formalities ang laro. Basta maishoot ang bola sa net ay goal na.

"Clei, may naisip ka na bang parusa sa kanila?" Tanong sa akin ni Vexia na kasalukuyang binabantayan si Mikhail.

"Pag-iisipan ko pa" sagot ko.

Sinipa niya ang bola papunta sa akin at sasaluhin ko na sana ito gamit ang dibdib ko nang may biglang tumalon sa aking harapan upang agawin ang bola.

"Liit mo kasi" sabi niya habang dinidribble ang bola gamit ang kanyang paa. "Paps!" Sigaw niya at pinasa kay Mikhail ang bola. Agad naman niyang sinipa ito at...

"Goal!" Sigaw ni Lampacho.

"Sus. Chamba lang?" Sabi ko habang tumatakbo.

Pinasa ulit sa akin ni Vexia ang bola ngunit nakabantay na naman sa akin ang Lampacho'ng ito. Pwedeng kay Vexia na lang siya? Nakakabad vibes eh!

Drinidribble ko ang bola papunta sa net nila nang biglang may nagslide sa aking harapan at nakita ko ang nakangising mukha ni Mikhail. Naagaw niya sa akin ang bola at papunta na siya ngayon sa net namin.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon