CHAPTER 29: BORACAY 3

481 9 0
                                    

LIYA'S POV

Naalimpungatan ako nakaramdam ako ng lamig. Sumiksik ako sa katabi kong unan pero bakit ang tigas naman. Kinapa ko ang unan at pinindot pindot. Matigas talaga kinapa ko ulit at bakit may buhok? Kinusot ko ang aking mata at nakakita ako ng bakulaw.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko at tinulak ko ito palayo.

"Aray ko" Sabi naman niya.

"Ay sorry. Akala ko kung bakulaw. Hehehe" nakangiting sabi ko.

"Bakulaw? Sa gwapo kong to?" sabi niya at inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinaggap ko naman ito.

"Joke!" Sabi ko at hinila ko siya patayo.

"Tinulugan mo ako kagabi ha" sabi niya habang naglalakad kami.

"Ah. Oo. Hahaha" natatawang sabi ko.

Hindi na kami nag imikan hanggang makarating kami sa hotel at nahimik ding sumakay sa lift, parang naghihintay lang kami ng unang magsasalita pero mas pinili kong manahimik na lang kasi inaantok pa talaga ako.

Nagkangitian muna kami bago pumasok sa suite. Pagpasok ko ay may narinig akong humahagikgik sa terrace. Dumirecho ako doon at tumambad sa akin ang mga likuran ng lima.

"Anong gi--"

"Shhhhhhhhh! Zitta!" (Shut up) Sita sa akin ni Gael.

Napahawak naman agad ako sa aking bibig at nakisilip sa pinagkakaguluhan nila. Laking gulat ko nang makita kong natutulog sina Mikhail at Vexia. Nakaakbay si Mikhail kay Vexia habang si Vexia naman ay nakasandal sa balikat ni Mikhail. Kinuha ko rin agad ang cellphone ko at pinicture'n silang dalawa. Nakakalimang shots na ako ng biglang gumalaw si Mikhail kaya nagninja moves kami papasok sa sliding door.

Sumilip kami sa sliding door, mabuti na lang at glass ito kaya makikita namin sila sa labas, umayos lang pala si Mikhail sa pagkakaupo. Lumabas ulit kami at pinicture'n ulit sila.

"Hindi pa ba kayo tapos?" Narinig namin ang boses ni Vexia.

"Hehehehehe" ako at binulsa ko agad ang cellphone.

"Good Morning" chorus nilang apat at agad pumasok sa loob.

"Hoy! Gising!" Sabi ni Vexia kay Mikhail at siniko niya ito.

Umungol lang si Mikhail bilang sagot. Tumayo naman si Vexia at nag inat. Tumalikod narin ako nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi ka yata natulog dito kagabi" Sabi niya.

"Ah. Oo. Hehehe." Sagot ko.

"I know what you did last night." Sabi niya at kinindatan niya ako sabay pasok sa loob.

"Ahhhhhh. Shhhhhhh" sabi ko. "Wait. Hindi mo ba gigisingin si Prince Charming mo?" Asar ko.

Liningon niya ako. "Sino?" Kunot noong tanong niya. Kunwari ka pa ha. Nginuso ko lang si Mikhail na natutulog.

"Si Tukmol King? Yaan mo siya diyan." Sabi niya.

Nagkibit balikat lang ako at pumasok na ako sa loob. Sabi niyang hayaan eh di hayaan.

MITCH'S POV

Pagkatapos naming maglunch at napagpasyahan naming mag island hopping. Iyong pupuntahan namin ang mga karatig isla dito. Nagkunwaring ayaw namin para mapagtripan si Gael dahil hindi maipinta ang pagmumukha niya kanina. Gusto daw niyang magtour sa ibang isla pero ang sabi naman ni Vexia ay maraming pating kaya ayaw namin. Nagtalo at nag-asaran muna bago kami pumayag. Pahirapan lang iyan.

"Biliz bilizan ni yo! Ang baggal ni yo!" Sigaw ni Gael sa amin.

Talagang sinasadya naming bagalan ang paglalakad dahil ang taas ng sinag ng araw at nakakabagot maglakad kapag ganito.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon