CHAPTER 76: THE E.A.O

214 8 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Mula sa kung saan ay may tangke na lumabas sa bungad ng function hall na papunta sa gawi nila. Halos lumuwa naman ang mata ng Guardians at kumunot noo lang ang KG3 mabilan kay Mitch na napamura dahil nasubukan na niyang maging target ng tangke at di siya natuwa dito.

"Uh-oh" si Jessie. "Polarbear"

"Da" (Yes) sagot ni Polarbear sa kabilang linya. Naiwan ito sa gunship nila. Agad namang nagpaputok si Polarbear sa tanke at rumisponde naman ang huli.

Habang may nagaganap na gyera sa labas ng mansion at agad naman silang kumilos.

"Okay guys, keep calm and let's do this" si Zai at nauna na siyang umalis papuntang underground.

Sumunod naman sa kanya sina Ian at Jessie habang sina Clei, Mitch, Jeff at Ken ay pumanhik pataas. Sina Liya, Layden at Deeja naman ay napagpasyahang hanapin si Owen habang pinipilit makalabas sa function hall dahil sa gyerang nagaganap sa labas. Nais narin nilang makaalis sa lugar dahil malala na ang kalayagan ng huli. Namumutla na ito dahil sa dugong ayaw paring tumigil sa pagdaloy sa kanyang braso.

"Owen" si Liya. Ngunit walang sumagot. Ilang oras naring di niya naririnig ang boses nito mula sa earpiece. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso at pinangunahan na siya ng nerbyos.

Pabaling-baling ang kanyang ulo upang hanapin ang kasintahan ngunit di niya ito mahanap. Lumipat sila ng matataguan sa pagitan ng pag-ulan ng bala galing sa battleship dahil sunod-sunod ang atake nito sa tangke kaya naman bigla itong sumabog.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog at pagyanig ng lupa, tumalsik sila sa lupa. Tuluyan nang nawalan ng ulirat si Deeja habang pilit naman siyang inaabot ng kamay ni Layden. Duguan ito at hindi makaalis sa pagkakadagan sa kanya ng malaking bloke ng semento.

Unti-unting bumabangon naman si Liya habang sinasapo ang kanyang ulo. Wala siyang ibang naririnig kundi ingay. Ingay na umaalingaw-ngaw sa kanyang tenga. Para siyang lasing dahil nags-slow motion ang kanyang paligid.

May mainit na likidong umaagos sa kanyang ulo pababa sa kanyang pisngi. Napamura siya ng mapagtantong preskong dugo ito. Nahihilo narin siya dahil sa lakas ng pagkakauntog ng kanyang ulo. Tuluyan na siyang nawalan ng malay kaya di na niya namalayan na may lalaking bumuhat sa kanya palayo.

Sa kabilang dako naman ay mabibigat ang paghinga ni Zai habang pinupulot ang baril sa lalaking katatapos lang niyang saksakin, kanina pa silang walang tigil sa pagpapatumba sa mga lalaking naka-itim.

Hindi naman iniinda ni Ian ang napakaraming galos sa kanyang katawan habang sinasabayan ang pag-atake ng limang nakapalibot sa kanya. Nauubos narin ang kanyang lakas at hindi na siya magtataka kung bigla na lang bumigay ang kanyang katawan.

Mukhang si Jessie lang ang marami pang energy dahil napakaliksi parin niya kahit sampu na ang kanyang kalaban. Parang nakikipagpatintero lang ang dalagita habang kumikitil ng buhay. Pangisi-ngisi lang ito at patawa-tawa pa. Halatang ganado siya sa ginawagawa.

May nakagilap si Zai na pintuan at mukhang ito na main security ng isla. Agad niyang pinuwesto ang dalawang baril sa magkabilang kamay niya at tinadyakan ang pintuan. Nagpaulan siya ng bala hanggang naubos ito, nagmistula siyang buhay na machine gun habang pinapaputukan niya ang bawat sulok ng silid, hihingal-hingal siya pagkatapos.

Tahimik lang ang loob ng silid at mukhang wala nang humihinga ngunit may paparating na itim na anino sa kanya at tinadyakan siya sa dibdib. Tumalsik siya sa sahig dahil hindi niya inaasahan ang pag-atake. Sumugod ulit ito ng suntok at buti nalang naikot niya ang kanyang katawan pakanan kaya nakaiwas ng mabilis ang dalaga. Nagkaroon ng bitak ang sahig at tiyak kung di siya nakailag ay basag ng kanyang magandang mukha.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon