CHAPTER 38: SERENADE

337 7 0
                                        

IAN'S POV

"Paps! Umagang-umaga bangag ka na!" Sabi sa akin ni Layden at binatukan ako.

"Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko at binato ko siya ng throw pillow.

"Anong bangag? Baka narock and roll!" Sabat naman ni Jeff at umupo sa tabi ko.

"Sus! Natotorpe yan! Nagmana na kay Mikhail!" Komento ni Ken na bagong pasok lang galing sa pintuan.

"Sus! Nagsalita ang hindi torpe!" Si Owen na nasa harapan ng mini fridge.

"Hindi naman ah!" Depensa ni Ken.

"Paps! Kung hindi ka torpe ay magtapat ka kay Clei" nakangising sabi ni Layden.

"Saka na. Kapag malamig na ang ulo. Ang inet eh! Ahihihihihi" natatawang sagot niya.

Mas lalo akong naprepreasure sa mga ugok na ito eh. Ano ba ang gagawin ko? Paano ako magtatapat kay Zai? Naman eh!

"Oh. Bakit nandito kayo?" Bungad sa amin ni Cloyd. Kapapasok lang niya dito sa PL.

"Bawal mag cutting. First day ng exams ngayon" sabi niya at naupo sa swivel chair niya.

"Mamaya pa ang klase ko" sagot ni Ken.

"I second the motion!" Sabat ni Layden.

"Same here!" Si Jeff.

"Una na ako" sagot ni Owen at nauna na siyang lumabas.

"Ikaw Ian?" Pukaw sa akin ni Cloyd.

"Mamaya" tipid kong sagot at bumuntong hininga.

"Problem?" Tanong niya.

"Hahahahahaha! Natotorpe!" Sabay na tawa ng dalawang ugok.

Tinignan ko sila ng masama at nagpeace sign lang sila.

"Hindi porket sinagot na kayo ng mga pinopormahan niyo ha" naiiritang sabi ko.

"Hallaaaaaaaa ka paps!!!" Sabi ni Layden.

"Hoy! Gago! Ikaw kaya!" Sagot naman ni Jeff.

"Magtapat ka na kase" sabi naman ni Cloyd habang may binabasa siyang papeles. "Tignan mo kami, sinagot ng mga babaeng pinopormahan namin dahil sa lakas ng loob" dagdag niya.

"Honga paps, wala kang mapapala kapag hindi ka gagalaw" si Layden at tinapik niya ako sa balikat.

"Baka mamaya sa sobrang torpe mo ay maunahan ka ng iba" si Jeff.

"Ang mundo ay parang Quiapo! Maraming madurugas! Dinudugas din pati mga babae!" Sabat ni Ken na napakaseryoso ng mukha.

"Umayos ka nga!" Baling ko kay Ken at binato ko siya ng magazine. Nakailag naman siya habang tumatawa.

"Haaaaaaaaaaaay!" Bumuntong hininga ako. "Eh anong gagawin ko?" Tanong ko at nangalumbaba sa mga hita ko.

"Eh di umamin ka!" Sigaw nina Layden at Jeff.

"Paano?" Sagot ko at nilingon ko sila.

Nagkatinginan silang apat at ngumiti ng malapad. "Kaming bahala" sabay sabay na sabi nila at tumingin sa akin ng nakakaloko.

ZAI'S POV

"Boom clap, the sound in my heart. The beat goes on and on and on and on. Boom clap, you make me feel good. Come home to me, come home to me now."

Pakanta-kanta ako habang nakaupo dito sa may garden dahil biglang nawala ang tao sa klase ko pati narin ang instructor. Nakapagtataka pero hindi ko alam kung bakit.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon