CHAPTER 9: FIRST DANCE

596 9 0
                                    

CLEI'S POV

Biyernes na at Sabado bukas! Kung Sabado bukas ibig sabihin weekend. Hahaha. At bukas na pala ang debut ng kapatid ni Owen. Gulat nga kaming lahat dahil invited kami. Buti na lang nakapagmall kami last week kaya hindi na namin problema ang susuotin.

Lumabas ako sa kwarto at tumungo sa garden. Umupo ako sa couch at nagsindi ng sigarilyo. Nakaramdam ako ng presensya sa may bandang taas ng puno.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko.

"Nagpapahangin" tipid niyang sagot.

"Tara magbar!" Sigaw ni Liya sa may pintuan.

"Bar? Anong bar?" Takang tanong ni Vexia pagkatapos niyang tumalon pababa sa puno.

"Bar ang tawag sa Pub dito, hindi tulad sa Rome na kapag Bar ay automatic na kape ang iisipin mo" paliwagan ni Liya.

"Ho capito" (I understand) sabi ko. Inubos ko na ang sigarilyo at pumasok na ako sa loob at pumasok na rin si Vexia.

Nagsuot ako ng leggings, wedge sneakers, crop top at brown leather jacket. Lumabas na ako at nakita ko si Mitch na inaayos ang bracelet niya.

"Help Clei" sabi niya sa akin na nakangiti.

"Ayoko nga! Baka biglang mamanhid ang buong katawan ko" sagot ko.

Nakakatakot kayang hawakan ang mga accessories niya lalo na't marami siyang tinatagong lason sa mga gamit niya.

"Hindi ah. Tranquilizer lang naman ang dala ko" depensa niya.

Sus. Tranquilizer daw.

"Tss. Ako na" rinig kong sabi ni Vexia.

Hinawakan niya ang bracelet ni Mitch at bigla siyang bumulagta at namatay tapos umiyak kami tapos hindi joke lang. Ang masamang damo ay mahirap mamatay -______-

Kompleto na kaming lahat at sumakay kami sa elevator. Pagdating sa baba, binigyan kami ni Zai ng tig iisang transmitter para daw malaman niya kung nasaan kami pati rin mga iphones namin ay may ganoon. Binigyan din kami ng new product daw ng dalawa, sina Mitch at Gael. Isang pouch na may tatlong bracelets, kung titignan mo lang ay isang normal na bracelet pero kapag pinindot mo ang lock at binato biglang sasabog, iyong isa naman nagiging latigo kapag marahas mong winaksi at panghuli, needles ni Mitch, kapag kulay red ay poisonous, kapag kulay green ay tranquilizer at kulay white ay antidote sa kahit anong klaseng lason na kami lang ang mayroon.

Sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan at sinusundan namin si Zai, taga rito yata siya eh, alam na alam niya ang daan.

STUDIO18

Pumasok kami sa loob at sumalubong sa amin ang mausok at malakas na tugtug galing sa Dj set. Wala bang saucepan ang pub na ito at mausok? Tiyak mag aamoy sigarilyo kami nito. Naninigarilyo ako pero ayaw na ayaw kong nauusukan. Maraming tao ang tumitingin sa amin maliban sa mga taong nasa dance floor.

"Hi mga miss, ang gaganda ninyo ah, bago lang kayo dito?" sabi ng isa.

"Miss dito na lang kayo sa table namin" sabat ng isa.

"Miss drink all you can, i'll pay" dagdag ng isa.

Hindi namin sila pinansin at diredirecho kaming umupo sa matataas na stool sa bar counter. Dahil tatlo lang ang available na upuan tumayo nalang sa likuran namin sina Deeja, Liya, Gael at Zai. Nag order na sila favourite drinks nila at ako nanaman ang hinihintay dahil hindi ako makapag isip ng masarap na cocktail.

"What's your drink Miss" sabi ng barista at kumindat sa akin. Hmmm he's cute.

"Black Russian Vodka will do" sabi ko.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon