THIRD PERSON'S POV
Maaga pa lang ay umalis na si Vexia sa mansyon upang pumunta sa sementeryo. Bibisitahin niya si Rennè dahil matagal narin siyang hindi nagpupupunta. Sa starbucks na lang siya magbrebreakfast mamaya dahil hindi siya sanay ng hindi kumakain sa umaga.
Nang makarating siya ay medyo mataas na ang araw. Nagsindi siya ng kandila at nilagay niya ang bouquet ng camellia na pinitas niya sa sariling balcony. Nanatili pa siya ng ilang minuto nang mapagpasyahan niyang umalis.
Payapa siyang nagdridrive hanggang may biglang tumawid sa kalsada kaya naman biglang preno siya at muntik na siyang sumubsob sa manubela.
"Fuck!" Sigaw niya at hinagilap ang lalaking tumawid.
Biglang kumunot ang noo nito nang biglang pumasok ang lalaki sa passenger's seat.
"Drive!" Utos niya.
"Okay?" Di siguradong sagot niya. "Morning run?" Dagdag niyang tanong habang tinitignan ang rear mirror. May mga lalaking nakaitim na palinga-linga sa paligid.
"Kinda" humihingal na sagot ni Mikhail.
"I'll bring you to Deeja's house" si Vexia at tinapunan niya ito ng tingin.
"No" matigas nitong sagot.
Napabuntong hininga na lang si Vexia at tahimik na nagdrive. Nang medyo nakalayo na sila ay inihinto niya ito sa gasolinahan. Pumunta silang starbucks upang kumain.
"How was the game last night?" Tanong ni Vexia habang nilalapag ni Mikhail ang inorder nila.
"Bored" tipid na sagot nito at nagsimulang kumain. "How did you know about the game?" Takang tanong nito.
"I have sources" si Vexia at kumain narin.
"I see" si Mikhail.
Tahimik silang kumain hanggang matapos sila.
"Where will I drop you?" Tanong ni Vexia habang nagdridrive.
"To the nearest motel, I guess" sagot ni Mikhail.
"You're not staying there anymore?" Tanong niya at ang tinutukoy nito ay ang motel kung saan siya tumutuloy.
"No" tipid na sagot nito.
Hindi na sila nag usap hanggang itinigil ni Vexia ang sasakyan dahil hindi na ito makakapasok sa makipot na eskenita papuntang motel na nakita nilang may signboard.
"Thank you" si Mikhail at sabay labas sa kotse.
Tumango lang si Vexia bilang sagot. Tinapunan na muna niya ang palayong lalaki ng tingin bago pinaharurot ang sasakyan. Wala sa sariling napatingin siya sa rear mirror ng mapansin niyang may dalawang itim na van kung saan niya iniwan ang binata.
Fuck?! Talagang hindi na sila titigil? Ano na lang ba ang kasalanan ni Mikhail sa BlackBatt?! Sa kanyang utak.
Tss. He can handle himself sa utak niya ulit at pinagpatuloy lang niya ang pagdridrive. Napalingon ulit siya at medyo marami-rami ang lumabas sa dalawang van.
"Merda!" (Shit!) mura niya at bigla siyang nag U turn. Bumaba siya sa kotse at pasimple niyang sinundan ang mga ito. Mga labinglima ang lalaking nakaitim at pasimple niya itong sinundan sa masikip na eskenita. Hindi niya mahagilap si Mikhail at mukhang naramdaman niyang may sumusunod sa kanya kaya siguro nagtago na muna ito.
Habang tahimik niyang sinusundan ay inisa-isa niyang pinapatumba ang mga lalaki hanggang naging sampu na lang sila. Nang nakita niyang mukhang nakakaramdam na sila ay agad siyang umakyat sa tagpi-tagping bahayan at tumuntong sa bubong. Mga limang metro siguro ang taas niya mula sa sampung lalaki, pinagmasdan niya ang mga ito habang nagtatalo sila dahil nawala na ang kanilang kasamahan.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomantikSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
