THIRD PERSON'S POV
"How was your date?" Tanong ni Deeja kay Vexia na tahimik nakaupo sa couch.
"Fine but not fine" sagot nito.
"Huh?" Kunot noong komento ni Zai.
"Lakas ng karisma mo Vex! Pati matanda nahumaling sayo!" Pang aasar ni Liya.
"Iyan din dahpat sahsahbihin koh eh" segunda ni Gael sabay ngisi.
"I know right" sagot ni Vexia at uminom ng juice.
"Who is he?" Sabat na tanong ni Clei.
"Santiago. Santiago of BlackDragon" walang emosyong sagot niya.
"Huh?" Si Zai ulit.
"Anong huh? Huh ka ng huh?!" Sita sa kanya ni Clei.
"Tigilan mo ako" sagot ni Zai sabay irap kay Clei.
"Whatever" si Clei at kinuha ang bowl ng popcorn sa kanyang harapan at nagsubo.
"Paano mo nalaman?" Curious na tanong ni Zai.
"Because I know" monotone na sagot ni Vexia.
"Paano nga?!" Pangungulit ni Zai.
"I saw him" sagot parin ni Vexia.
"Alam mo minsan Vex, anlabo mong kausap" maktol ni Zai at kinuha ang cellphone at nagtext.
"Girls, am goin' out!" Sigaw ni Mitch at narinig nalang nila ang malakas na pagsara ng pintuan.
"Mga kaibigan mong lumalovelife habang ikaw bokya!" Komento ni Clei.
"Sus nagsalita ang isa" nakangising sabi ni Liya.
"Sagutin mo na kasi si Ken" datong ni Deeja.
"Hmp" tanging sagot ni Clei.
"Hindi kayo lalabas?" Tanong ni Vexia
"Mamaya kunte, wala pang alas nuebe eh" sagot ni Liya.
"Ako aalis na" si Zai sabay tayo.
"Okay. Laters!" Sigaw ni Clei.
"Can we talk for a minute Clei?" Anyaya sa kanya ni Vexia.
"Oh sure cousin" sagot ni Clei at tumayo ito at sumunod kay Vexia papuntang elevator.
Habang nasa elevator ay nagtanong si Clei.
"Ano yon?" Tanong niya habang palabas sila sa elevator.
"Since you're good in hunting, we'll hunt tonight" sagot niya.
"Where? Who?" Excited na tanong ni Clei.
"BlackMarines" sagot ni Vexia at wala sa tono ng kanyang boses ang excitement. "See you in a bit" pagpapaalam niya sabay pasok sa kanyang kwarto.
Agad lumiwanag ang mukha ni Clei at dali-daling pumasok din sa kanyang kwarto upang magbihis. Pagkababa nilang dalawa ay wala na sa salas ang KG5.
"Clear" si Clei na para bang nasa misyon na sila.
"Baliw" si Vexia at nakapoker face.
Dumirecho silang garage at kinuha ang Range Rover na itim. Habang tinatahak nila ang pupuntahan ay hinahanda na ni Clei ang kanyang mga patalim at baril.
"Madami yata ang dinala mo" komento ni Vexia habang nagdra-drive.
"Alam na this!" Nakangising sagot ni Clei.
"Tss" si Vexia.
Nakarating sila sa abandonadong klinika. Kunot noo na naman si Clei dahil hindi niya inaasahan na dito ang hideout ng BlackMarines.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
