CHAPTER 21: EROS

481 7 0
                                    

LIYA'S POV

"Liya!" Rinig kong sigaw niya sa akin. Napalingon ako at napakunot noo.

"Oh?" Sagot ko.

"Maglulunch ka?" Tanong niya.

"Oo. Bakit?" Sagot tanong ko.

"Ah. He he he. Pwedeng sumabay?" Siya.

"Ayoko nga" sagot ko.

"Ah ok" sabi niya sabay yuko at aakmang aalis.

"Basta libre mo" sabi ko at naglakad ulit ako.

"Tara!" Masiglang sabi niya at sumabay na siya sa akin papuntang cafeteria.

Siya na ang umorder at naghanap ako ng bakanteng upuan. Wala pang limang minuto ay may tray na siyang hawak. Tahimik lang kaming kumakain at hindi nag imikan.

"Isang linggo ko ng hindi nakikita ang Tomato Quintette" binasag ko ang katahimikan.

Bigla naman siyang natigilan at uminom ng coke.

"Na-nagbakasyon kasi sila" siya at tumingin sa akin.

"Oh? Buti pa sila nagbakasyon" ngiting asong sabi ko.

"Oo nga eh" sang ayon niya at pilit ngumiti.

"Saan nga pala sila nagbakasyon?" Inosenteng tanong ko.

"Ah. Hi-hindi ko alam. Pero ang sinabi ni Cloyd ay nagpaalam daw sila sa kanya" Pagsisinungaling niya.

Hindi talaga niya bagay umarte dahil bakas sa mukha niya ang pagsisinungaling.

"Sa Hospital" wala sa loob kong sabi.

"Ha?" Siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Wala! Wala! Ang sabi ko baka nagbakasyon sa...ano...sa...Hotel...tama...sa Hotel niyo! Naka nandon sila...hehehehe" natatarantang sagot ko. Ay shet! Bwiset!

"Ahhh. Ok. Siguro nga" sagot niya at yumuko.

Mukhang hindi siya kumbinsido. Bwiset talaga! Bahala na! Bahala na si Catwoman! Nagpatuloy ako aa pagkain at hindi ko na siya inimik dahil baka may lumabas na naman sa aking bibig.

OWEN'S POV

Malinaw na narinig ko ang sinabi ni Liya sa akin kanina. Sa Hospital ayokong isipin pero parang may masamang kutob ako. Pero hindi naman siguro.

Pagkatapos kong hinatid siya kanina sa classroom niya ay dumirecho na akong PL dahil vacant ko. Maglalaro na lang ako ng XBOX.

Pinindot ko ang elevator at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Vexia. Kung idedescribe ko siya ay para siyang bangkay na naglalakad. Maputi at laging cold face. Hindi masyadong ngumingiti pero hindi maikakailang maganda siya. Nanindig tuloy ang balahibo ko at kinabahan. Nakakatakot kaya!

"Owen" rinig kong sabi niya.

"H-hi Vexia" casual kong bati at nautal pa ako! Ngayon alam ko na kung bakit natotorpe si Mikhail.

Tipid lang siya ngumiti at lumabas sa elevator. Pumasok naman ako at dali daling pinindot ang 3. Pwew! Kinabahan talaga ako dun ah. Pagdating ko sa PL ay sinalang ko agad ang Assassin's Creed, iyong nilaro namin sa Mansion ni Deeja. Grabe, nakakahiya, talo kami ng babae.

"Paps! Wala kang pasok?" Tanong sa akin ni Ian. Hindi ko man lang narinig ang pagbukas niya ng pintuan.

"Kita mo naman di ba?" Sagot ko.

"Nahawa ka na sa PMS ni Mikhail?" Siya at naupo sa tabi ko. "Palaro ako" sabi niya at kinuha ang isa pang game pad.

"Kailan ang Gang Battle?" Tanong ko sa kanya.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon