THIRD PERSON'S POV
"Sumuko na kayo mga bata! Hahahahahahaha! Lalong-lalo na kayo mga magagandang dalagita!" Parang baliw na sigaw ni Konrado sabay tawa. Siya ang leader ng grupong BlackDragon, ang isa sa mga pinaka-notorious na grupo kung saan risponsable sila sa prostitusyon ng bansa.
"Ikaw ang sumuko dahil mamamatay ka na!!" Sigaw ni Clei at pinaputukan niya. Agad namang umiwas si Konrado ngunit nadaplisan ito sa braso.
"Yan ang gusto ni Mr. Uy! Pa-hard to get! Hahahaha!" Sigaw niya pabalik sabay punas sa dugong dumadaloy sa kanyang sugat. "Huhulihin kita at ibebenta sa kanya! Tiyak milyones na naman ito!" dugtong niya sabay tawa ng malakas na parang demonyo.
"Fuck!" mura ni Mitch dahil huling magazine na niya ang kanyang sinalpak. Inikot niya ang kanyang paningin at mukhang ganun narin ang sitwasyon ng kanyang mga kasamahan.
Nagpaputok ang BlackDragon at nakipagsabayan naman sila hanggang isa-isang tumitigil ang kanilang mga putok.
"Ano na? Nawalan na kayo ng bala?" nang-aasar na tanong ni Konrado sa kanila.
"Duling ka siguro dahil sinasayang mo lang ang bala mo! Wala ka man lang matamaan sa amin!" pang aasar ni Clei sabay tawa. "Bakit di mo kami gayahin? Sure deds! Wala kang kwenta! Puro tawang demonyo lang!" dugtong niya na siyang ikinagalit ni Konrado.
Nagpa-ulan naman agad ang mga ito bilang sagot sa dalaga habang tumatawa. Mas lalong napuno ng alikabok ang buong paligid at mas lalo pang nasira ito. Bumigay narin ang pader malapit kay kina Jeff at Mitch.
"Huwag mo kasing galitin masyado! Tignan mo kung anong ginagawa ng hayop na yan!" Sita sa kanya ni Mitch sabay ubo. Nakaalis sila sa pinagkukublian nila bago bumagsak ang pader ngunit may natamong sugat si Mitch dito dahil tinulak niya si Jeff.
"Nakakaasar kasi ang hinayupak na yan eh! Bwisit!" galit na sigaw ni Clei. Nababadtrip narin siya dahil wala man lang silang magawa. Kahit isang ingay lang o galaw ang gawin nila ay awtomatikong nagpapaputok ang BlackDragon. Mukhang unlimited ang bala ng mga ito.
Luminga-linga siya sa paligid nang biglang may mahagilap siyang baril di kalayuan sa kanya. Mabilis siyang nagdive papunta dito sabay hablot sa baril at nag-somersault habang pinapaputukan siya.
"Muntik na ako dun ah!" sabi niya dahil muntikan na siyang natamaan sa paa. Napalingon naman siya sa babaeng abalang nagtatanggal ng kanyang evening dress.
"Seriously? Ngayon mo lang naisip yan?" di makapaniwalang tanong niya kay Liya na abalang tinutupi ang kanyang tinanggal na damit.
"Actually, Yes" sagot niya sabay tawa. Inaayos na niya ngayon ang kanyang nalukot na sando. Hindi narin siya nag abalang kunin ang kanyang jacket kanina sa banyo.
"At ngayon pa talaga kayo nagchismisan?" manghang tanong ni Jeff sa kanila.
"Duh! Mind your own business! Mukha ka ng butiki diyan!" sigaw niya sa binata dahil halos magkamukha na sila ng pinagtataguan niyang pader. Wala narin siyang balak ni umalis o gumalaw dito dahil tiyak na papaputukan siya.
Nagpaputok ulit ang BlackDragon para tiyaking wala na silang laban sa kanila.
"Ano ba! Nakakarindi ka na ah!" galit na sigaw ni Clei. "Suntukan na lang!" dagdag niya.
"Kaya nga! Suntukan na lang!" Segunda naman ni Ken dahil kung mano-mano ang laban ay tiyak may laban ang mga ito.
"Zai! Ian! pasabugin niyo na nag buong lugar para matapos na ito!" utos ni Deeja.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.