VEXIA'S POVIsang linggo na ang nakakalipas nang sunugin namin ang klinika ng BlackMarines at isang linggo na ring may nagmamatyag sa akin. Bawat galaw ko ay inoobserbahan niya, mapa-eskwelahan man o sa mansion. Hindi ko na sinabi sa KG6 ang tungkol dito ngunit hindi nakaligtas ito kay Deeja dahil na rin sa lakas niyang makiramdam. Tinapik lang niya ako sa balikat at sinabing "enjoy" =_________=
Minsan may umatake narin sa akin sa Mall habang nagshashopping kami ni Clei, inabangan sa ice cream shop, sa parking area ng eskwelahan at ngayon naman dito sa sementeryo kung saan bibisitahin ko si Rennè.
Kaswal kong tinatahak ang daan patungo kay Rennè habang hawak ang paso ng puting camellia. Mabuti na lang at namukadkad na ang camellia para naman maibigay ko ito sa kanya. Napapangiti ako habang sinusukyapan ang hawak kong paso.
Direcho lang ako sa paglalakad at patay malisyang hindi pinansin ang pares ng matang nagmamatyag sa akin. Binuksan ko ang gate ng mausoleum sabay lapag ng paso sa tabi ng puntod at napaupo ako sa single couch. Oo, may single couch dito, dinala ko ito nung nakaraan kasi matigas sa pwet ang marmol na upuan. =________=
Pinikit ko ang aking mga mata para naman ganahan ang nagmamatyag upang patumbahin ako. Pinakiramdaman ko ang paligid at naramdaman kong may paparating na lumilipad na kutsilyo sa aking ulo.
Minulat ko ang aking mga mata at yumuko dahilan upang ang couch ang matamaan. Sinintas ko ang aking sapatos at tumayo. Tumalikod ako at hinugot ang kutsilyong nakabaon sa couch.
"Mairegalo nga ito kay Clei" bulong ko habang sinisipat ang kumikinang na kutsilyo.
Hindi nagtagal ay may armadong lalaking nakatayo sa gate. Napabuntong hininga ako dahil hindi pala siya si Santiago. Isa sa mga tauhan na naman niya. Tss =______=
"Hanggang dito ba naman? Susundan mo ako?" Tanong ko sa kawalan.
"Bakit hindi? Alam mo, sa unang tingin ko sayo ay wala ka sa grado upang patumbahin ang aking mga kasamahan" sabi ng lalaki.
Ngumisi lang ako at pinalipad ang kutsilyo papunta sa kanyang kamay. Nabitawan naman niya ang kanyang baril at gulat na napatingin sa akin.
"Ngayon, nasa grado na na ako upang patumbahin kayo?" Patuyang tanong ko.
Naglakad ako palapit sa kanya at umurong naman siya palayo sa akin.
"Natatakot ka?" Nakangising tanong ko.
"Hi-hindi! Ba-bakit naman ako matatakot sa isang tulad mo?" Nauutal na tanong niya sa akin.
"Talaga?" Nakangising tanong ko at inambangan ko siya ng suntok.
Agad naman siyang napapikit at sinangga ang kanyang mga braso. Tinignan ko lang siya habang ang kamao ko ay nasa ere parin.
"Akala ko ba hindi ka takot?" Patuyang tanong ko sabay ngisi.
Agad naman siyang nagmulat ng mata at tumingin sa akin.
"Ah--"
Hindi ko na hinintay ang kanyang isasagot dahil tinurukan ko na siya ng berdeng karayom. Hinila ko ang kanyang paa at sinakay sa compartment ng aking kotse.
"Bye for now Rennè. I miss you" bulong ko habang nilalabas ang cellphone mula sa aking bulsa.
"Clei" sabi ko.
[Zup?]
"Where's the new resto?" Tanong ko.
[Ortigas]
"Thanks"
[Wh--]
Binaba ko agad ang tawag at nagdrive papuntang Ortigas. Pagdating ko ay hinila ko ulit sa paa ang lalaki at dinala sa ginagawang resto ni Clei. Gabi na kaya wala na ang mga trabahador. Kailangan ko ng maipaglalagyan ng lalaking ito dahil kailangan kong makahagap ng impormasyon. Ayoko na ring tanungin si Zai tungkol dito dahil magtatanong lang iyon.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.