CHAPTER 36: SHE'S NOT BREATHING

378 9 6
                                    

MITCH'S POV

"Ms. Abbey! Ms. Abbey!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon ako at nakita ko si Marah, ang kaklase kong hihingal-hingal at halatang malayo ang tinakbo niya.

"What?" Tanong ko.

"Si Je-jeff" sagot niya habang hinahawakan ang kanyang dibdib.

Gaano kalayo ang tinakbo ng babaeng ito?

"So?" Taas kilay kong tanong. Kailan pa ako naging Zai para hanapin nila sa akin ang nawawalang tao.

"Si Jeff, nasa soccer field. Nakikipagsuntukan" sabi niya nang makalma na niya ang kanyang sarili.

"Then?" Walang interes ko pa ring sagot.

"Sampu ang kalaban niya. Dehado siya" sagot niya.

"Call the Guardians. Not me" taas kilay kong sabi.

Ako? Makikipagsuntukan sa mga low life bastards? Oh c'mon. I have standards.

"Wa-wala ang mga Guardians Ms. Abbey" siya.

"So? Ako ang makikipagsuntukan ganun?" Pagtataray ko.

Ang tanga naman ng babaing ito. Ako pa talaga ang tinawag niyang makipagsuntukan?

"Hindi naman Ms. Abbey pero tulungan mo siya. Kawawa naman kasi siya. Kanina pa siyang pinagsusuntok at pinagtatadyakan. Duguan na nga eh" parang naaawang sabi niya.

Bumuntong hininga muna ako bago naglakad papuntang soccer field. Gangster ba tlga ang lalaki iyon o hindi? Sampung lalaki lang ang kasuntukan at magtatawag na ng kakampi? Baklita talaga!

Malayo palang ako sa soccer field ay tanaw ko na ang kumpulan ng mga tao at hindi lang sampu ang kalaban niya kundi sampung batalyon!? Lahat yata ng lalaki sa buong campus ay nandito para bugbugin siya at hindi lang iyon may mga babae rin.

"The fuck?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.

Biglang nag init ang aking ulo dahil talagang dehado si Jeff. Forget about my standards, this is WAR!

Agad akong naglakad papuntang kumpulan ng tao at alam kong pinalilibutan si Jeff doon.

"Get out on my way stupid little shits!" Sigaw ko at iniisa isa kong hinablot ang mga taong humaharang sa daraanan ko.

"Jeff!" Galit kong sigaw sabay hablot sa polo ng matabang lalaking nakaharang "Tabi!" Dagdag ko sabay suntok. Napaupo naman siya at aakmang sisipain ako ngunit tinadyakan ko na ang kanyang tyan dahilan upang manatili siyang nakaupo.

Pinaghahablot ko pa ang mga likuran nila hanggang nakarating ako sa lalaking nakahiga at punong puno ng dugo.

"Fuck!" Sigaw ko at lumuhod para tignan siya. "Jeff" bulong ko at hinaplos ang kanyang namamagang pisngi.

"Who are the assholes who did this to him?!?!" Galit na galit kong sigaw.

Walang sumagot sa kanila at mas lalo pa talaga akong nagalit. May ilang nag iwas ng tingin at may umalis sa kumpulan.

"No one? I will kill all of you then!" Sigaw ko.

"No. No. No. Don't do something poisonous today" rinig kong sabi ng isang babae.

Nilingon ko siya at nakita ko ang malamig na mukha ni Vexia habang umiinom ng bubble tea.

"Look at him. He's still breathing" dagdag ni Gael at sumubo ng chips.

Tahimik lang na nanonood ang KG4 at parang inoobserbahan ako. Mga tingin na hindi mo alam kung anong tumatakbo sa mga utak nila.

"Fuck! Permission Cy! Please" matatag kong sabi sa kanya habang nagsusukatan kami ng tingin.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon