THIRD PERSON'S POV
DEEJA'S MANSION
"Sinong grupo na naman ba ng mafia ang nagpasabog sa private rooftop!?!?" Bulalas ni Cle. "Hindi ba nila alam na mas mahal pa ang gamit natin doon kaysa sa buhay nila? Alam ba nilang pinaghirapan kong idesign iyon?" Pagtatalak niya.
"Sayang iyong mini fridge" si Zai habang nakatingin sa hawak na barbeque.
"Sayang ung stock ko ng needles" si Mitch at napabuntong hininga na lang.
"Goodbye comfy couch" si Gael habang inaayos ang pagkakaupo sa deck chair.
"Paalam sa mga memories namin ni Owen dun" bulong ni Liya sa kawalan.
"I bet, alipores ni Samie ang may kagagawan nun" si Deeja at lumagok ng red wine.
"No, the target was Mikhail" si Vexia na tahimik lang at napahawak sa kanyang labi.
Gulat namang napatingin sa kanya ang KG6.
"How come?" Takang tanong ni Gael.
"There's something fishy. Try to figure it out Zai" baling niya kay Zai na kasalukuyang kumakain ng barbeque.
"Roger that" si Zai.
"Maybe Mikhail isn't suitable for the so-called-Mafia-Heiress" komento ni Liya.
"Naaaaaa. Ang babaw naman ng dahilan" si Deeja.
Hindi naman sumagot ang iba at ang pinagpatuloy ang ginagawa.
"Alis muna ako" paalam ni Vexia sa kanila.
"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong ni Clei.
"Matutulog" monotone na sagot niya.
Hindi sumagot si Clei at pinagmasdan ang likuran ng kanyang pinsan. May kakaiba sa mga galaw niya. Parang wala ito sa kanyang sarili. Habang nag-uusap sila kanina ay panay ang hawak niya sa kanyang labi at bigla na lang siyang naiiling.
Pagdating ni Vexia sa kanyang kwarto ay nahiga siya sa kama. Pinagmasdan niya ang kisame na kulay puti. Napapabuntong hininga siya dahil sa mga nangyari kanina. Binomba ang PR, pinaulanan ng putok at hinalikan ni Mikhail.
Napagulong ulit siya sa kanyang kama at inabot ang kanyang cellphone. Alas dies na pala ng gabi. Tinabi niya ulit ang aparato at muling pinagmasdan ang kisame.
Paano naging target si Mikhail?
Anong kinalaman niya sa Mafia?
Hindi kaya ayaw nila kay Mikhail para kay Samie?
Deficiente! (Moron) piping mura niya sa kanyang isipan.
Napabuntong hininga ulit siya at tumayo. Naglakad siya hanggang makarating siya sa garage. Binuhay niya ang makina nang kanyang kotse at umalis. Habang nagdra-drive ay wala siyang tiyak na patutunguhan. Nagdrive pa siya hanggang nakarating siya kung saan nakatira ang Guardians.
Naglakad siya papuntang lobby ngunit nagtaka siya dahil walang nagbabantay na guard. Ginala niya ang kanyang paningin ngunit wala kahit anino ng guard. Agad siyang naglakad patungong elevator ngunit nakared lahat ito. Patakbong pumunta siyang hagdan at halos liparin niya ang kanyang mga hakbang.
Hindi niya inalintana ang taas ng kanyang inaakyat basta huwag lang magkatotoo ang kanyang hinala. Lakad-takbo pa rin siya hanggang may narinig siyang ingay galing sa susunod na palapag. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng exit at tumambad sa kanya ang walang malay na lalaki.
Tiningnan niya ang nakabukas na pintuan sa condo ni Mikhail at sinilip niya ito.
Cazzo! Cazzo! Cazzo! (Damn) mura niya sa kanyang utak dahil nakahandusay sa sahig ang apat na lalaking walang malay.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.