THIRD PERSON'S POV
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang labanan sa BlackBox at tatlong araw narin magkakasama ang Guardians at KG6. Kailangang magtago muna silang lahat dahil narin sa nangyari.
Nasa penthouse ni Clei si Ken, nasa condo naman ni Liya si Owen, nasa probinsya naman sina Mitch at Jeff, nasa rest house naman nila Deeja sina Layden, Cloyd at Gael, at nasa family house naman ni Zai si Ian.
Kasalukuyang nakatutok si Zai sa kanyang computer nang tinawag siya ni Ian.
"Juliet kain na. Naghanda ako ng lunch" sabi niya at pinuntahan ang dalaga sa terrace.
"Ok. Sandali lang" sagot naman ng dalaga.
"Ano bang ginagaw mo? Kaninang brunch pa yan ah" si Ian at pumuntang likuran ni Zai yumakap.
"Mainit ano ba! Landi mo!" Suway niya sa binata sabay tapik sa kanyang braso.
"Landi? Agad agad? Pwedeng nagpapalambing lang muna?!" Si Ian sabay halik sa kanyang ulo. "Hmmmmmmm, amoy araw" asar niya.
"Tse! Tigilan mo ako. Kakaligo ko lang kanina" sagot ni Zai at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
"Ano ba kasi yan?" Si Ian ulit. "Bakit may pictures ng BlackBox na nasusunog?" Dagdag niyang tanong.
"Wala. Nagpapadala lang ako ng files sa EAO na tapos na ang mission" sagot niya.
"Anong mission?" Takang sagot ni Ian.
Biglang natahimik naman si Zai dahil hindi pa pala niya alam ang tungkol dito.
"Marcus Damasco? Teka. Kamukha ni ano Mik--" komento niya.
Bigla niyang pinindot ang minimize button ang picture kung saan nakalagay ang deceased sa picture ni Mikhail.
"Mikhail D'Austini" dugtong ni Zai.
"Anong kinalaman niya sa EAO?" Naghihinalang tanong niya.
"I'll tell you another secret okay? Keep calm" panimula ni Zai.
Bumuntong-hininga si Ian at seryosong tumingin kay Zai. "You are full of surprises" sabi niya.
"Mikhail D'Austini is our mission, actually Vexia's miss--"
"What?! Paano? Bakit? Don't tell me" si Ian at nakakuyom ang kanyang mga kamay.
"Hey. I said keep calm" suway niya sa kanya. "Hindi mo maiintindihan kung hindi mo malalaman sa umpisa" dagdag niya. "Now, I want you to keep calm okay?" Abiso niya.
Tumango lang si Ian ngunit di maikakaila ang galit na namuo sa kanyang aura.
"The real name of Mikhail D'Austini is Marcus Damasco" sabi niya na siyang ikinagulat ni Ian.
"Anong sinasabi mo? Paano ka nakakasigurado?" Seryosong tanong ni Ian.
"Kung naririnig ka lang ngayon ni Deeja tiyak nasapak ka na nun" pang aasar ni Zai. "He is Marcus Damasco, he was been adopted at the age of 12. Hindi mo ba alam ang tungkol dito?" Dagdag niya.
"Kung alam ko tatanungin ko pa ba?" Pagsusungit ni Ian dahil feeling niya pinaglihiman sila ni Mikhail. "Inampon siya? Paano?" Dagdag niyang tanong.
"Mikhail stayed in Little Angels Orphanage for 2 years and Sir D'Austini adopted him" sagot ni Zai.
"I see. Kaya pala may auction kami yearly para sa bahay ampunan na iyon dahil doon siya nanggaling" komento ni Ian sabay buntong-hininga. "Pero ang tanong, bakit siya ang inyong mission?" Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16178349-288-k242916.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomantizmSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.