DEEJA'S POV
"Here para mainitan ka" sabi ko habang nilalapag ang mainit na kape sa kanyang harapan.
"Thank you" sabi niya.
Matapos ang dalawang oras ay nakausad narin kami sa traffic. Iniwan ko na ang Ferrari ko at ipapakuha ko na lang kay Butler Degas, tutal basa naman na. Gabi na at hindi parin tumitila ang ulan at naririnig parin namin ang malakas na hagupit ng hangin sa labas. Mabuti na lang at may kuryente kami dito sa bahay. Nakauwi narin ang anim at wala pa si Clei. Siguro natraffic din.
"Dito ka na magdinner" alok ko sa kanya.
"Nakakahiya naman" sagot niya at humigop ulit ng kape.
"Nakakahiya nga sayo eh. Naabala pa kita" sabi ko.
"Ayos lang. Basta safe ka" sabi niya.
Ngumiti lang ako ng tipid.
"Dito na talaga kayong lahat nakatira?" Sabi niya at ginala ang paningin niya sa paligid.
Tumango lang ako bilang sagot at binuksan ang tv. Ano ba iyan. Wala man lang magandang panoorin.
"Wala ba silang bahay dito sa Pilipinas?" Tanong ulit niya.
"Condo meron. Si Vexia may bahay. Si Gael naman ay wala pero may branch ang restaurant nila sa Mall" sabi ko sabay tayo para magsalang ng DVD.
"Ahhh. Eh bakit nandito si Gael?" Tanong ulit niya.
"Kaze I can't live without them" sagot ni Gael sa likuran namin at umupo sa single couch. "They're my second family" dagdag niya.
Tumango lang siya. "Magtagalog ka nga Gael" sabi niya.
"Kaya nga. Para naman malaman namin kung nag improve ka na" sang ayon ko at umupo ako sa tabi ni Layden.
"Kaze naman e. Bahka mahlee ang sabi hin koh" nahihiyang sabi niya.
"Ipush mo te!" Sigaw din ni Mitch at naupo narin siya sa kabilang couch.
Ano? Saan naman kaya napupulot ni Mitch ang sinasabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Si Liya at direchong upo siya sa sofa.
"Inampon ka na din ni Deeja?" Tanong ni Zai at tumabi siya kay Mitch.
"Ngayon lang. Pagbigyan na girls" sagot niya at humigop pa siya ng kape.
"Mukhang basang sisiw ka ah" komento ni Mitch.
"Medyo" sagot niya.
"Deeja! Bakit hindi mo pa bigyan ng damit? Baka magkasakit yan nako!" asar ni Zai.
"Tomo. At hinatid ka pa niya" segunda ni Liya.
Tumingin ako kay Layden at nag iinarte naman siyang hinahawakan ang kanyang ulo.
"Oo na" sabi ko at tumayo ako. "Halika" dugtong ko.
Tumayo naman siya at sumunod sa akin sa lift. Pumasok kami sa guest room sa second floor at tinungo ko ang walk in closet. Sana may naiwan na panlalaki dito. Hinalungkat ko pa ang aparador at nakita ko ang kulay pink na polo at faded jeans.
"Eto oh" sabi ko at inabot sa kanya. "Banyo ang pintong iyon" dagdag ko sabay turo sa kaliwang parte ng kwarto.
"Salamat" sabi niya at pumasok na siya sa banyo.
"Baba ka na lang" sabi ko at tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ay kumpleto na ang KG5 sa salas.
"Si Layden?" Bungad na tanong sa akin ni Liya.
"Sa guest room" sagot ko at umupo na ako. "Nabaha din ba kayo kanina?" Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomansaSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
