VEXIA'S POV
Tapos na naman ang isang exam at pigang-piga na ang utak ko sa Philippine History na iyan. Halos nakatunganga lang ako dahil ang hirap alalahanin ang pangalan ng mga taong tinatanong sa exam sheet. Walang kwenta. Hindi ko naman iyan magagamit sa banko namin. Tss =________=
Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang cafeteria para lumamon. Tinignan ko ang cellphone ko at wala man lang text o tawag. Sabagay, sino naman ang tatawag at magtetext sa akin? Tss =________=
Pagkatapos kong umorder ng sangkatutak na cakes, cupcake at isang large smoothie ay tahimik akong naupo sa bakanteng lamesang nakita ko sa gilid. Nilabas ko ang aking ipad para basahin ang kinagigiliwan kong "My Happy Ending" sa wattpad. Hindi ako mahilig sa romance pero kakaiba ang librong ito. Habang tahimik akong nagbabasa at lumalamon ay may naramdaman akong tao sa aking likuran. Nilapag ko ang aking ipad at uminom ng smoothie.
"Awwwww. Hopeless romantic bitch!" rinig kong sabi niya at nagtawanan ang mga kasama niya.
Hindi ako sumagot. Pinunasan ko ang aking labi at huminga ng malalim. Kung saan naeexcite na ako sa binabasa ko ay may sumisira pa.
Umupo siya sa aking harapan at nangalumbaba.
"Anong meron ka at hindi ka mamatay-matay?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Ngumisi lang ako bago sumagot. "Kung mag-uutos ka ay siguraduhin mong malakas at hindi tatanga-tanga" malamig kong sagot.
"Hahahahahahaha! Sige ba! At sinisigurado kong sa susunod ay nasa impyerno ka na" natatawang sabi niya ngunit kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galit.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin?" Kunot noong tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit. Dapat ako pa nga ang magpakita ng ganyang trato sa kanya dahil sa ginawa ng pamilya niya sa pamilya ko.
Hindi siya sumagot at tila nagulat siya sa tanong ko. "Because you are a bitch! And I hate bitches like you and your friends!" Sagot niya.
"Hahahahahaha! Really? I thought because of Mikhail" sabat ng babaeng blondie ang buhok na nakaupo sa katabing lamesa kasama ang mga kagrupo niya. Si Xai, leader ng Shixies.
"Shut the fuck up Xai!" Sigaw sa kanya ni Samie at aakmang magpapalipad siya ng kutsilyo ngunit nahawakan ko agad ang kamay niya.
"Knife in school grounds? You should be suspended" poker face kong sabi.
"Bitch! Don't lay your filthy hands on me!" Sigaw niya sa akin.
Bigla kong winaksi ng marahas ang kamay niya at nagbakat pa ang pagkakahawak ko doon.
"Huwag kang sasabat kung hindi ikaw ang kinakausap" baling niya kay Xai na nakangisi lang. Tumaas lang ang kilay ng anim niyang kasama.
"Whatever Mafia princess" sagot sa kanya ni Xai.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsubo ng cake at tahimik na inoobserbahan ang dalawang grupo. Matalim din ang titig ng BlackAngels sa Shixies. Mukhang hindi lang kami ang mga "kaibigan" nila sa school.
"Tara! Nag aaksaya lang tayo ng oras sa mga taong walang kwenta!" Sigaw ni Samie at tumalikod na sila sa amin.
"Matapang ka rin. Kayo" sabi sa akin ni Xai at naupo sa harapan ko.
"Thank you" sabi ko.
"You're interesting" komento niya.
"I know" tipid kong sagot.
Ngumiti siya at napatingin sa mga kinakain ko.
"Anong secret mo girl? Lagi kitang nakikitang kumakain ng sangkatutak na sweets at hindi ka man lang tumataba! Tignan mo oh! Ampayat payat mo!" Sabi niya at pinisil pisil niya ang kanang braso ko.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.