CHAPTER 63: MAFIA'S JUDAS

255 10 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakalipas na ang tatlong araw mula nang sumabog ang classroom ni Vexia at ang pag alis nila Jessie at Polarbear at tatlong araw naring excited ang KG7 sa nalalapit na Gang Battle.

Nagpadala ng sulat ang namamahala sa BlackBox para sa sampung grupo ng gangster upang magtipon-tipon bukas para sa pagbubukas ng Gang Battle. Bilang paghahanda ay nagkanya-kanyang trip naman ang KG7. Si Mitch at Clei na nagshopping para daw sa new costume nila. Si Zai at Liya na naglaro lang ng Xbox, si Gael na nag-iimbento ng kung ano-ano para itest niya sa mga makakalaban nila sa Gang Battle, si Deeja na nagsunbathing lang dahil kulang daw siya sa araw at si Vexia na lumamon at natulog lang.

Habang ang KG7 ay chill lang ang Guardians naman kabado dahil wala si Mikhail. Hindi nila ito mahagilap kung nasaan ito. Natawagan na rin nila si Sir D'Austini ngunit hindi rin daw niya makontak ang binata. Hinanap narin nila ito sa mga bar na pwede niyang puntahan at sa tambayan nila ngunit wala rin. Bilang paghahanda ay pumunta silang gym at kinondisyon ang kanilang sarili dahil may nararamdaman silang kakaiba sa mga makakalaban nila lalo na ang Royals.

Kahit medyo gahol sa oras at panahon ay nakahanap parin ng paraan ang Guardians upang makasama ang KG6 at sabihin dito ang tungkol sa Gang Battle. Nagkunwaring nag-aalala naman sila ngunit ang totoo ay excited na excited na din sila. Nakaramdam naman ng pagkaguilty ang KG6 dahil hindi pa alam ng Guardians ang tungkol sa kanilang pagkatao ngunit napagpasyahan nilang sabihin ito oras na matapos ang Gang Battle.

*VRRRRRRRRRRRRRRR*

Tunong ng kanyang cellphone na pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni ni Vexia sa terrace habang pinagmamasdan ang bumubukadkad na bulaklak ng camellia. Kinuha niya ang tumutunog na aparato at sinagot ang tawag.

"Oh" sagot niya.

Walang sumagot sa kabilang linya.

"You've been calling me for days" sabi parin niya.

Narinig niyang may bumuntong hininga sa kabilang linya.

"I'll dro---"

"I-I ne-need you" putol sa kanya ng kabilang linya.

*toot toot toot toot toot*

"Baliw ka talaga" Si Vexia at nakangiting tinignan niya ang cellphone.

"Cy! Cy! Cy!" Boses ng kanyang pinsan na halatang excited na excited.

"What? And why did you call me Cy?!" Mataray niyang tanong.

"Enebe! Umu-o kana lang okay? Tara sa second floor sabi ni Zai" sabi niya tinalikuran na niya ito.

"Tss" si Vexia at sumunod narin.

Habang nasa elevator papuntang second floor ay napapangiti si Vexia dahil aminado siyang namiss nga niya ang boses ni Tukmol King a.k.a Mikhail.

"Oh? Anong nilanghap mo sa terrace at napapangiti ka?" Nawiwirduhang tanong ni Clei.

Napawi naman ang kanyang ngiti at inirapan siya. "Wala. Tss" sagot niya.

Pagdating nila sa computer room ni Zai ay nandoon narin ang KG5 at nakatutok sila sa monitor.

"Allora" (Well) si Vexia at umupo sa bakanteng upuan.

"Take a look at this" si Mitch.

"Just say it" si Vexia parin.

"No. You need to see it with your eyes" matigas na sabi ni Liya.

"Tss" si Vexia at lumapit sa kanila.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon