MIKHAIL'S POV
"Amputeeeek! Bwiseeet!" Umalingawngaw ang boses ko sa cr.
Kasalukuyan akong naliligo at may napuntang bula ng sabon sa aking mata. Agad akong naghilamos dahil sa sobrang hapdi. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumirecho akong kusina para kumain. Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko ang eksena kahapon.
"Sorry guys, i just missed her so much. Anyway i'm Eros, her boyfriend"
I'm Eros, her boyfriend
Her boyfriend
Boyfriend
Friend
END
Maghihiwalay din kayo! Nakakabwisit! Sarap putulan ng kamay ang Eros na iyon. Kung makahawak akala mo hindi na niya nakita si Vexia ng isang dekada! Nakak---
"Paps! Good morning!"
"Anong ulam natin?"
"Hindi ka naman galit sa ulam no? Durog na oh"
Napukaw ako sa pag eemo nang bumungad sa akin ang tatlong patay gutom. Hindi ako sumagot at sumubo lang ako. Naupo naman sila at nagsandok ng kanin.
"Paps! Nakita ko kahapon si Mama Vexia na may kasamang wafung guy" pasimula ni Jeff.
"Tomo! Ang yummy!" Segunda ni Layden at ngumiti ng nakakaloko.
"Sus! Bading iyon!" Si Ken at umingos.
Hindi parin ako sumagot at tahimik lang na kumakain. Nakakabanas!
"Bagay sila!" Si Jeff at pakiramdam ko ay nakangisi pa siya.
"Tomooo! Kaya huwag totorpe torpe ku--"
Bigla akong tumayo at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Amputek. Umagang umaga nang iinis na.
"Hala ka paps!" Si Layden.
"Gago! Tumahimik ka nga!" Si Jeff.
"Iyan kase! Nakikikain na nga kayo ay binubwisit niyo pa!" Si Ken.
"Tumahimik nga kayo!" Sigaw ko sa kanila at pumuntang salas.
"Uiiii. Jelly! Hahahahahaha!!" Si Layden.
"Hahahahahahaha" si Jeff.
"Bading iyon bro! Don't worry be happy!" Si Ken.
Direchong lakad lang ako hindi ko sila pinansin. Jelly Jelly! Ano yon pagkain? Tsk. Bwiset. Bading? SANA NGA KASI MUKHANG HINDI EH!
*********
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate ay ang pagmumukha na agad ng Eros na iyan ang makikita ko! Kung binubwisit ka nga naman ng tadhana oo. At anong ginagawa niya? Nakikipaglandian sa mga babae? May girlfriend na nga at nagawa pang makipaglandian at mukhang nanghihingi pa ng number. Tsk. You don't deserve her!
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad sa hallway at nagkunwaring walang bwisit na nakikita. Biglang sumulpot kung saan si Vexia at automatic namang umakbay si Eros sa kanya at hinalikan pa siya sa pisngi! Biglang nagdilim ang paningin ko at nangangati na ang kamay kong suntukin siya at ibaon sa lupa. Makapal din naman ang pagmumukha ng putapeteng ito! May pahalik halik pa siyang nalalaman!
Hindi ko alam ngunit biglang bumilis ang paglalakad ko para maabutan ko sila. Biglang kong hinablot ang braso niyang nakaakbay kay Vexia at ubod lakas ko siyang sinuntok dahilan upang pumutok ang labi niya.
"Mikhail! What do you think you're doing!" Sigaw sa akin ni Vexia at lumuhod siya para tulungan ang lalaking napaupo sa sahig. "You okay?" Dugtong niya.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
