THIRD PERSON'S POV30 minutes before the mission...
Mas maraming nakaitim na mga lalaking bumabantay ngayon sa buong paligid at ang nakapagtataka ay lumalapit lang sila sa mga kababaihang nakasuot ng kulay bughaw at pulang damit.
"I think we got a problem" bulong ni Liya sabay lagok sa champagne na inalok kanina ng waiter.
"I can see that" sang ayon naman ni Zai habang nakatingin sa monitor.
"We need to separate" sabi ni Gael kay Cloyd. Tumango lang ang binata bilang sagot at naglakad siya palayo.
Nasa magkabila na silang parte ng function hall at nakikihalubilo sa mga tao. Pasimple silang nagtatago sa kumpulan ng mga bisita para hindi sila mapansin.
"New Year starts at exactly 25 minutes from now" abiso ni Zai sa kanila.
Ang sinabi nitong New Year ay ang inaabangan nilang fireworks display na magaganap at magsisilbing hudyat narin ito upang isagawa ang kanilang mission.
"Copy" sabay-sabay nilang sagot.
May nakita si Cloyd na palapit sa kanyang limang lalaki ngunit mabilis siyang nagtago sa likuran ng pader. Halos di na siya huminga dahil sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib nang dumaan sila sa kanyang gawi. Nakahinga siya ng maluwag nang linampasan lang siya ngunit nanlamig agad ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan siya ng malapot ng mapansin niyang may tao sa kanyang likuran. Lumingon siya at tumambad sa kanya ang lalaking nakaitim at taimtim siyang inoobserbahan nito. Napatingin naman siya sa kaliwang kamay nito at halatang prosthetic lamang.
"Maari niyo bang tanggalin ang inyong maskara magandang binibini" seryosong pahayag nito. Hindi ito patanong bagkus isa itong utos.
Napalunok naman ng sariling laway si Cloyd bago magsalita.
"Th-this is a ma-masquerade party" nauutal na sagot niya na may katarayan sa kanyang boses.
Agad namang natahimik si Santiago at biglang kumunot ang noo. Nang napagtanto niyang may kakaiba sa kaharap niyang babae ay biglang nag-iba agad kanyang aura.
"Sumama ka" puno ng awtoridad sa kanyang boses at waring nagtitimpi ng galit.
Nahalata naman ni Cloyd na nabisto na siya kaya agad niyang sinipa ang pagkalalaki nito. Agad namang napaluhod si Santiago at namimilipit sa sakit. Ugaling bading na kung ugaling bading ang ginawa niya pero di talaga siya makakagalaw ng maayos sa kanyang suot. Agad siyang lumisan sa lugar at kung saan-saan siya nagtago. Hindi na niya inalintana ang mga taong nakaharang sa kanyang daraanan at ang nagtatanong mga mata nila.
"Zai!" Sabi niya.
"3 men on your left. Magtago ka muna sa pintuan diyan sa likuran mo" sagot ni Zai.
Walang nagawa si Cloyd kundi magtago. Magtatanggal narin siya ng suot niyang gown.
"Anak naman ng baklang kabayo oh! Paano ba ito!" Mura niya dahil nagpapakahirap siyang hagilapin ang zipper sa likuran niya.
"Cloyd bilis! May limang taong papunta diyan. Armado sila" abiso ni Ian.
"Oo paps! Putang ina naman tong damit na ito!" Mura ulit niya at biglang pinagpupunit na lang niya ang kanyang suot hanggang nahubad na niya ito.
Biglang bumukas ang pintuan at nakatutok sa kanya ang mga limang lalaki.
"Paano ba yan guys. Mukhang mauuna akong magne-new year" nakangising sabi niya at tinutukan din niya ng baril ang mga ito na kinuha niya kanina sa banyo.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
Roman d'amourSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.