CHAPTER 61: A GANGSTER'S GIFT

233 10 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Good morning sunshiiiiinnnneeee!!!" Sigaw ni Jessie pagkadating pa lang niya sa garden kung saan nag-aalmusal ang KG6 maliban kay Clei na natutulog pa.

"Good morning Jessie" bati ni Mitch at Zai sabay ngiti.

"Umagang kay ganda, tenga ko'y narak en roll na" bulong ni Deeja.

Umupo naman si Jessie sa tabi ni Zai at tinignan kung ano ang kanilang kinakain.

"Oh hi there polarbear" Bati niya sa malaking taong pilit pinagkakasya ang katawan sa upuan.

"Hello Jessie" nakangiting bati niya at biglang...

BRRAAAAAAGGG

Wasak ang upuan.

"Pang-ilang upuan na ba iyan?" Bulong ni Liya.

"Pangatlo na" sagot ni Mitch.

"Come, sit right here" alok ni Vexia sa couch.

Tumayo naman si polarbear at tumabi kay Vexia.

"Is these food?" Takang tanong niya sa mga pagkain na nasa kanyang harapan.

"Ay hinde! Hinde!" Sagot ni Deeja.

"Hinde! Hinde!" Ulit naman ni Jessie.

"Shut up and Eat" utos ni Gael sa kanya.

Hindi naman sumagot ni Jessie at kumuha ng sinangag at nilagay niya sa kanyang pinggan. Ginala pa niya ang kanyang paningin hanggang nakita niyang takam na takam si Zai sa hotdogs. Kumuha siya at kumagat. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nagsubo pa ng ilang piraso.

Nang matapos ang maingay nilang pagsasalo-salo na pinangunahan ni Jessie ay pumasok na sila sa LDVU kung saan nagbubulong-bulungan na naman ang mga estudyante dahil may bagong salta na naman. Ayaw din namang iwan ni Deeja ang mga ito baka daw wala na silang mabalikan na bahay pagkalubog ng araw.

Habang naglalakad sila ay lahat ng mga estudyante ay nakatingin kay polarbear dahil malayo pa lang ay kitang-kita na nila ang kanyang ulo sa kumpol ng mga tao. Kaswal lang naglakad ang mga ito at hindi pinansin ang mga estudyanteng nagpipyesta sa kanila.

"Why are they looking at us as if we're aliens?" Takang tanong ni Jessie.

"No, they're looking at you because you're an alien" bulong ni Clei.

"You'll get use to it" sagot ni Vexia at naglakad lang sila papuntang elevator.

Dahil narin hindi sila kasya ay umakyat na lang hanggang 3rd floor sina Zai, Mitch at Gael upang samahan si Polarbear. Mangatal-ngatal ang tuhod ni Zai hanggang sa second floor kaya naman binuhat na lang siya ni polarbear hanggang third floor na siyang ikinadilim ng aura ni Ian. Kasalukuyang buhat-buhat ni Polarbear si Zai nang makasalubong nila ito.

"Hoy! Sino ka! Bakit mo buhat si Juliet ko!" Sigaw niya. Umalingaw-ngaw sa buong hallway ang kanyang sigaw.

"Uh-oh" bulong ni Zai.

"Let me get down polarbear" utos niya. "Thank you" dagdag niya.

Tumalima naman ito at ngumiti. Agad namang nilapitan ni Ian si Zai at nakipagsukatan ng tingin kay polarbear.

"Relax lang Romeo! Binuhat lang ako di nirape" sabi ni Zai at humalik sa kanyang pisngi.

"Di porket malaki ang katawan mo ha" si Ian at hinawakan ang kamay ni Zai.

"Sus, akala mo naman may ibubuga ka paps" asar naman ni Jeff na nasa likuran pala nila.

Hindi masyadong nagsasalita si polarbear kaya naman nakatingin lang siya sa kanila na waring inoobserbahan ang mga ito.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon