CHAPTER 35: SECOND KILLING

403 10 7
                                        

CLEI'S POV

Papunta na kaming Il Pasticciaccio para maglunch dahil treat daw ni Liya ngayon. Hindi niya sinabi ang dahilan kaya naman sobra ang pagtataka namin. Hindi naman niya birthday dahil tapos na. Sinapian kaya ng mabuting espirito? O kaya naman nauntog?

Napark kami sa parking lot ng Mall at nakita namin ang hindi inaasahang pagmumukha ng Guardians. Ano naman kaya ang ginagawa ng mga 'to dito? Lumapit sa kotse ko si Lampacho at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Thanks Butler Lampacho" asar ko sa kanya.

"My pleasure Madame Loisa" asar rin niya.

"Huwag mo nga akong matawag tawag na Loisa!" Sabi ko sabay irap. Ayaw ko ng tinatawag na ganun. Mga magulang ko lang, kapag galit, at si Cloyd lang, kapag nang aasar, ang tumatawag sa nakakapesteng pangalan na yan.

"Loisa!" Asar ulit niya.

"Uupakan na kita!" Ako ulit.

"Hahalikan kita!" Sigaw niya.

"Subu---"

Pinutol niya ako dahil nakapout na siya at aakmang hahalikan ako.

"Yaaaaah!" Sigaw ko at pumwesto ako parang si Bruce Lee.

"Hoy! Mga muntanga! Umayos kayo!" Sigaw ni Deeja.

"Nakakahiya kayo!" Sabat ni Layden.

"Kaya nga! Nakakahiya ka!" Si Lampacho.

"Ha? Ako pa ngayon? Ikaw ang nakakahiya!" Sigaw ko.

Talagang nakakabwisit ang lalaking ito. Sarap ipakain sa baklang pating!

"The more you hate, the more you love" bulong ni Zai at nauna na siyang maglakad.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Ewwww! Gross! Yuck!

"Ang ingay" si Vexia at sumunod kay Zai.

Tiyak, gutom na naman ang mga alaga nilang dragon kaya nagmamadali!

"Nga pala, anong meron at nag aya si Owen ng lunch?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.

"Huh? Si Owen? Si Liya kaya ang nag invite sa amin" sagot ko.

"Oh? Baka libre nilang dalawa?" Sabi niya.

"Malay ko. Hindi ako mind reader" pagtataray ko.

"Ang taray mo" sabi niya.

"Ang tanga mo!" Sabi ko.

"Haaaay! Kailan ba matatapos yang regla mo? Hindi matapos tapos eh!" Siya at hinawakan ang ulo ko sabay halik.

"Ano ba! Ang buhok ko!" Sabi ko at lumayo ako sa kanya. "Mainit lang talaga ang ulo ko kapag ikaw ang nakikita ko" dagdag ko.

Pero totoo, naiinis ako kapag nakikita ko siya at ang malupet ay hindi ko alam kung baket!

Naglakad kami papuntang resto at naabutan namin sina Liya at Owen at mukhang nag oorder na.

"Nag order na kami" bungad sa amin ni Liya.

Nagsiupo na kami. Mukhang pinasadya ang table namin dahil long table ito at malayo sa ibang costumers. Tumango lang kami at nagsimulang magtaka dahil mukhang sweet silang dalawa. Nagkatinginan kaming KG6 at nagkasenyasan naman ang Guardians.

"Anong meron?" Panimula ni Zai.

Imbes na sumagot ay nagkatinginan sila at nagkangitian. Hinawakan ni Owen ang kamay ni Liya at pinakita sa ere ang holding hands nila.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon