Rome International School, 8:15 am
Lunes na lunes na at nabwibwisit na si Liya dahil may tatlong oras sila ng Economics ngayong umaga. Ang hilig pa naman ng prof nilang mag oral exam on the spot. Napapasimangot na lang siya habang pinagmamasdan ang kanyang librong singkapal ng make up ng mga babaeng dumadaan sa harapan niya. Napatigil siya sa pagsimangot nang biglang may lumapit sa kanya.
"Buongiorno, cornetto?" (Good Morning, croissant?) bati at abot sa kanya ni Gael ng tinapay na may palaman sa loob.
"Buongiorno, grazie" (Good Morning, thank you.) sagot niya sabay kagat sa tinapay.
"Dove stanno l'altre?" (Where's the others?) biglang tanong ni Gael habang iniikot ang kanyang ulo sa buong cafeteria.
"Non lo so." (I don't know) tipid na sagot niya at kumagat ulit sa croissant.
BLAAAAAAAAAAAG *door opens harshly*
*Lahat napatingin*
*Lahat natahimik*
"Ah! Eccole!" (Ah! Here they are!) sabi ni Gael habang nakangiting tinitignan ang limang babaeng naglalakad papunta sa kinauupuan nila.
*Lahat ng tao ay bumalik sa ginagawa*
"Buongiorno ragazze" (Good Morning girls) bati ni Clei at nakipagbeso-beso sa kanilang dalawa.
"Buongiorno" (Good morning) bati ni Mitch at nakipagbeso beso rin.
"Buon" (Good) --- Deeja
"Giorno" (Morning) --- Zai
Nakangiting bati ng dalawang at nakipagbeso-beso.
"Giorno" (Morning) walang ganang bati ni Vexia habang nakapoker face. Dire-direcho siyang umupo sa kanyang upuan nang natabig siya ng isang babaeng nakasalamin.
SPLAAAAAAASH
Natapunan siya ng cappuccino. Lahat ng mga kaibigan niya ay naiiling na lang at umiwas ng tingin. Binalot ng katahimikan ang buong cafeteria at natatakot na tumingin ang mga ito sa grupo ng pitong babae.
"Ohhh! Mi-Mi di-dispiace tanto Ve-Vexia! non ho fa-fa-fatto appo-posta." (Ohhh! I am so sorry Vexia! I didn't do it on purpose) nauutal na sabi ng babaeng nakasalamin habang nanginginig na kinukuha ang tissue sa kanyang bulsa at aakmang pupunasan ang damit ni Vexia pero tinapik niya ito palayo.
"Prova toccarmi e te ne penterai." (Try to touch me and you'll regret) walang emosyong sabi niya sabay tayo at nauna ng maglakad palabas ng cafeteria.
"Stupida" (Stupid) sabi ni Clei sabay pitik sa noo ng babaeng nanginginig pa rin sa takot.
"Deficiente" (Moron) sabat naman ni Gael.
At nilagpasan nila ang nakayukong babae. Hinablot naman ni Mitch ang blazer na suot ng lalaking nadaanan niya at inabot kay Vexia. Hindi na nagsalita ang lalaki at piniling itikom na lang niya ang kanyang bibig. Walang emosyong kinuha ni Vexia ang blazer at sinuot ito.
Pagkatapos ng tatlong oras...
"Waaaaaaaa! Allelujia!" Biglang sigaw ni Liya habang nag iinat. \(^__^)/
"Ho fame" (I'm hungry) sabi naman ni Zai habang hinihimas ang tyan.
"Anch'io" (Me too) sang-ayon naman ni Deeja.
Tumango naman sina Mitch at Clei habang nagliligpit ng gamit nila.
"Gi zing Vexia. Uhmmmm" *nag isip at nagcross arms* "Tapowz nah ang klaze." sabi ni Gael kay Vexia na nakayuko at nakasandal ang kanyang mga braso sa lamesa at halatang natutulog.
O_________O mukha ng lima.
"Whoah! Straight tagalowwwg!" sagot ni Vexia habang ginagaya ang pronunciation ni Gael.
"Za be ni yo kai-langan mag arral tagalowg" (__ __")7 sagot niya
"Dapat lang! Ikaw lang ang full-blooded Italian sa atin. Keep it up." sabi ni Mitch at nauna na siyang maglakad papuntang pintuan.
"Honga! Para hindi ka namin ibenta sa mga Pilipino dito sa School. Bwahahahahaha" segunda ni Clei at sumunod na rin siya kay Mitch.
"Kung ibebenta natin yan, tiyak yayaman pa ang KG7! Syempre maganda na nga ay sexy pa!" Nakangising sabi ni Liya.
"Tse! Stronze!" (Bitches!) sigaw sa kanila ni Gael.
"Tama na yan" *hikab* "Ahhhhh" *inat* bored na sabi ni Vexia at naglakad na rin.
Tuluyan nang lumabas ang pito sa classroom, habang naglalakad ay nakatingin sa kanila ang mga estudyante at nasisindak. Sino nga ba ang hindi masisindak kung ang pitong babaeng ito, bukod sa magaganda, ay maglalakad sa harapan mo na parang papatay ng tao. Kinatatakutan sila sa buong campus dahil na rin sa good and bad records nila. Oo, magagaling ang mga ito. Laging top sa exams, kung anong ikinagaling nila sa Academics at Sports ay ganoon rin ang ikinagaling nilang makipagbasag-ulo. Babae sila pero wala silang sinasanto. Kahit anak ka pa ni Pontio Pilato o kahit Gangster ka pa ay hinding hindi ka nila uurungan.
Walang nagbabalak makipagkaibigan o makipaglapit sa kanila. Hindi rin sila nakikipag-usap kung kani-kanino lang, dipende kung mukha kang tao. Pinipili nila kung sinong pakikitunguhan. Maswerte ka kung nginitian ka nila ng totoo (hindi fake smile) at kinausap ka nila pero malabong mangyari iyon dahil hindi talaga mangyayari. Hindi nila alam kung paano main-love o kahit anong love pa iyan dahil hindi pa nila nararanasan. Nakikipag hang out din sila sa mga boys pero hanggang flirt lang at si Clei ang magaling diyan. Matapos pagsawaan ng ilang oras ay itatapon ka na lang na parang tissue paper sa basurahan.
Sila ang KG7 pero hindi sila GANGSTERS o kahit anong CLAN dahil mas masahol pa sila diyan.
-----------------------------------------
A/N *Gael is pronounced as Ga-el*
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
