CLEI'S POV
Direchong lakad lang kaming pito sa hallway at hindi pinapansin ang pagbubulong bulongan ng mga estudyanteng nadaraanan namin. Salamat naman at hindi na sila sumisigaw pero nakakapanibago ang mga tingin nila. May mga natatakot, nakairap pero meron ding mga nakangiti sa amin pero bilang na lang.
"Ayan na sila. Tumabi kayo baka pasabugin din ang kotse niyo"
"Huwag kayong titingin baka kulamin kayo"
"Magaganda nga masasama naman ang ugali"
Nagpanting ang tenga ko dahil sa mga bulungan nila. Mukhang kami yata ang pinagsasabihan. Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay.
"Tignan mo?! Bad ass bitch!" Bulong ulit ng isa.
"Don't do stupid things" sabi sa akin ni Vexia.
"Don't worry. Hindi ako pumapatol sa kutong lupa" sabi ko at tinapunan ulit sila ng tingin.
Direcho lang kami sa cafeteria para magbreakfast. Wala kaming pakialam kung late man kami basta ang importante ay makakain. Late na kasi kami nagising kanina.
"What's wrong with them?" Takang tanong ni Gael.
"Ask them" mataray kong sagot.
"What's wrong with you?" Pagtataray sa akin ni Gael.
"Waley. I'm just pissed" sagot ko.
"Baket? Wala kayong date ni Ken?" Asar sa akin ni Liya.
"Tse! Nagdate kami kahapon!" Sabi ko.
"Uiiiiiiiiiii!" Asar nila sa akin maliban kay Vexia na lumalamon.
"Tigilan niyo ko ha" sabi ko sabay irap.
"Musta naman kayo ni Layden?" Baling ko kay Deeja.
"Si Layden? Ayon. Muntanga parin" sabi niya at uminom ng juice.
"Eh kayo?" tanong ko kay Liya.
"Anong kami?" Tanong niya.
"Si Owen" sabi ko sabay tingin sa pintuan ng cafeteria.
Ako lang ang nakaharap sa pintuan dahil abala sila sa pagkain. Nakita kong papalapit ang mga guardians sa lamesa namin at may hawak na gitara si Ian.
"Ah yon? Ewan. Hindi ko alam" sabi niya at nagsubo.
"Si Owen!" Sabi ko at nagpout sa direksyon niya.
"Hindi ko nga alam. Ang kulit mo" sagot niya habang ngumunguya.
(ITANONG MO SA AKIN BROWNME REVIVAL)
"Ahhhhhhhhh ahhhhhhhhhhhh ahhhhhhhh" chorus na kanta nila Ken, Layden, Mikhail, Cloyd, Ian at Jeff
Owen:
Itanong mo sa akin.
Kung sino'ng aking mahal
Napatigil naman sila sa pagsubo at napatingin sa pitong lalaking kumakanta. Biglang nagpunas ng bibig si Liya at ngumiti ng tipid.
"Ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh" sina Ken, Layden at Mikhail sabay sway at nagsnap pa ng daliri.
Owen:
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal
"Ahhhhhhh ahhhhhh ahhhhhhhh" sina Cloyd, Ian at Jeff at nakipagsabayan sa tatlo.
"Bakit hindi mo sinabi agad" bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
