DEEJA'S POV
Friday Night ngayon kaya naisipan naming magfilm viewing. Nandito kami sa tv room ng Mansion ko at kasalukuyang nanonood ng Captain America. Halos malaglag na ang puso ko dahil sa lakas ng volume. Si Clei kasi pinalakasan para daw intense. Natapos ang first half ng movie at pinause muna namin.
"Kuha ka ng popcorn sa kusina." Utos ko kay Gael.
"Ikaw na! Tamad ako!" Sigaw niya sa akin.
"Liya ika---"
"May paa ka!" Sigaw niya sa akin.
Pinutol niya ako. Tumingin ako kay Mitch at ngumiti.
"Okay! Ako na!" Sabi ni niya at ngumisi.
"Ay hindi na pala! Ako na Mitch! Salamat na lang!" Biglang sabi ko at tumayo. Alam ko na ang ngiting asong iyan.
Pumunta akong kusina at nagmicrowave ng tatlong supot ng popcorn.
"Luto na?" Sabi ni Clei at sumulpot sa likuran ko.
"Ito nalang, dadalhin ko na ang mga ito. Ikaw ng bahala diyan" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.
Bumalik ako sa TV room at nilapag ko sa table ang dalawang bowl ng popcorn. Agad naman silang kumuha maliban kay Vexia na ang laman ng bowl niya ay kisses na nabalatan na.
"Vex! Pashare naman!" Sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus binato niya sa akin ang isang supot ng kisses. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga chocolates niya. Hindi na siya naubusan eh.
Plinay namin ulit ang movie nang makabalik na si Clei. After 30 minutes tapos na ang pinapanood namin.
"Io dormo. Notte" (I sleep, night) sabi ni Gael at nauna na siyang tumayo.
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
"Notte ragazze" sabi ko sa kanila at sumunod kay Gael. Nagtungo kaming elevator at pinindot ang 3rd floor.
"Notte" sabi niya at kumaway sa akin.
Tumango lang ako at naglakad na papuntang kwarto. Humiga agad ako sa kama at nahagilap ko si Brownie, pangalan ng stuff toy na binigay sa akin ni Layden.
--FLASHBACK--
Kanina pa ako paikot ikot dito sa Mall, hindi ko makita ang National Bookstore kaya dumirecho muna ako sa grocery store para bumili ng pitong gallon ng icecream. Syempre tag iisa kami. Naubos na kasi ang stock sa ref. at kilala ko na kung sinong nag ubos. Nakakuha na ako ng icecream at nahagilap ng mga mata ko ang isang stuff toy na nakasabit sa isang washing detergent. Nilapitan ko ito at kinuha. Ang cute naman, aso ito at malaki ang mata. Pero bakit kulay pula? May pula bang aso? Tinignan ko ulit ang iba pang detergent kung may iba pang kulay ang stuff toy, may nakita akong kulay brown pero nahawakan na nung lalaki. Tumingin ako sa lalaki para makipagpalit ng stuff toy.
"Pwedeng palit tayo ng stuff toy?" Sabi ko.
Hindi man lang tumingin sa akin ang lalaki kaya kinalabit ko. Bigla naman siyang tumingin at
"Layden?"
"Deeja?"
Sabay naming sabi.
"Hello" bati niya at tumango lang ako.
"Palit tayo ng stuff toy. Red kasi ito eh. Gusto ko yang brown" sabi ko sabay turo sa stuff toy na hawak niya.
Hindi siya sumagot at tumingin siya sa hawak niya at napatingin naman siya sa hawak ko saka tumingin sa akin. Mukhang ayaw niyang ibigay.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
