THIRD PERSON'S POV"Oi! Dove sei?" (Where are you?) Tanong ni Gael kay Deeja sa cellphone.
"Sto arrivando" (I'm coming) sagot naman ni Deeja.
"Fai presto. Siamo tutte pronte tranne te" (Hurry. We are all ready except you)
"Sì. Ciao" (Yes. Bye) si Deeja at binaba na niya ang tawag.
Binilisan ni Deeja ang pagdridrive na para bang naka-pole position siya ng F1. Ilang beses siyang naligaw kanina sa pagpunta at pag-alis sa lugar na iyon kaya naman ginabi na siya. Nakaramdam siya ng pagsisisi dahil hindi niya tinanong kay Zai ang direksyon, di sana kanina pa siya nakauwi, nakakain at nakaligo.
Nilingon niya ang mga litratong kinuha niya kanina sa bahay ng matanda at aaminin niyang napakayaman nga nito. Malaki ang bahay nito at maraming kotseng nakapark sa malawak na hardin. May pamilyar na kotse siyang nakita kanina ngunit hindi siya sigurado kung saan niya nakita ito.
Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang biglang nagring ulit ang kanyang cellphone. Si Layden.
"Boo" sagot niya sa tawag.
"Boo. Galit ka ba? Kaninang umaga pa ako tumatawag sayo at nagtetext pero di mo naman sinasagot. May gina--"
"Baliw ka ba? Wala boo. Busy lang ako" sagot niya.
Narinig niyang bumuntong hininga ang nasa kabilang linya bago nagsalita. "Akala ko pa naman kung ano nang nagawa ko eh" sabi niya.
"Baliw. Wala kaya. Busy lang ako promise. May...may...may pinapahanap lang sa akin si Mommy kaya busy ako. Alam mo naman, business. Mga ganun?" Pagdadahilan niya.
"Ah okay boo. Sige text text na lang ha. Nasa BlackBox na kase kami. I love you"
"Ah. Okay. Okay. Goodluck boo. I love you too" sagot niya at binaba ang tawag.
Pinaharurot niya ang kanyang kotse dahil talagang late na siya. Wala pang pitong minuto ay nasa mansyon na siya. Dali-dali siyang pumanhik sa second floor para maligo at mabihis.
"The fuck?!" Sigaw niya dahil nawawala ang kanyang battle gear.
"Here" pukaw sa kanya ni Mitch na kasalukuyang binubuksan ang kanyang kwarto upang ibigay ang bago nilang battle gear. Crop leather jacket na kulay black and gold ito at leather pants na hapit sa katawan "Gorg isn't it?" Dagdag niya.
"Yeah" sagot niya at hinablot ang dahil sa kamay nito. Hindi na niya tinapunan ng tingin at sinuot na lang niya basta. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin at sakto sa kanya ito.
"Nice fit. Comfy" komento niya.
Agad siyang nagtungong garage kung saan kanya-kanyang trip naman ang KG6. May nagseselfie, nagsosounds, kausap sa telepono, nakasandal sa kotse, naninigarilyo at lumalamon. Agad siyang lumapit sa lumalamon at bigla na lang inagaw ang macarons sa kanyang kamay.
"Not so fast" si Vexia at kinuha ulit sa kamay niya ang macaron na sana ay isusubo na.
"Dai! Ho fame!" (Come on! I am hungry!) pagmamaktol niya.
"Tss" sagot ni Vexia at binigay rin niya ito.
"Tara na! Tayo na naman ang late dun tiyak" sabi niya at binulsa ang cellphone.
"Tara" si Liya at nauna nang pumasok sa Range Rover.
Habang nasa byahe ay binigyan ulit sila ng candy ni Mitch para mag iba ang boses nila kapag kinakain ito. Nang makarating sa lugar ay sila na naman ang huli.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.