ZAI'S POV
It's so good to be alive! \(@ ̄∇ ̄@)/
Nakangiting naglalakad ako sa hallway papuntang klase ko ngunit agad ding napawi ang aking mga ngiti dahil pasukan na naman o(╥﹏╥)o
"Miss Gaudi!" Boses ng isang babae sa aking likuran.
Napalingon naman ako ag hinintay ko siyang makalapit sa akin.
"Pinapaabot sayo" sabi niya sa akin.
Napatingin naman ako sa isang itim na box na may pulang lasos.
Sino naman kaya ang magbibigay nito? Ah! Si Romeo! Pero bakit hindi siya ang nagbigay sa akin mismo? Baliw talaga ang lalaking iyon!
"Sino?" Tanong ko.
"Ah eh isang lalaki" sagot niya.
"Si Rome-- Ian?" Nakangiting sabi ko.
"Eh hindi" sabi niya.
"Ah okay" sabi ko at tinanggap ko ang box. Umalis naman agad ang babae.
Tinanggal ko ang pulang lasos at binuksan ang box. Tumambad sa akin ang isang note.
Soccer Field. 6 pm ALONE
Wow naman! Death threat again?! Ang effort talaga ng babaeng iyon na magpadala ng kabalbalan! Pero ayos narin. Makakapag exercise ako nito ( ¬‿¬ )
Tinapon ko ang box sa bin at nagtungong klase.
LUNCH
Patapos na kaming kumain at ni anino ni Darlene ay wala. Nasa kabilang side lang ang ibang myembro ng BlackAngels ngunit wala siya. Tama iyan, paghandaan mo ang pagtutuus mamaya para ganahan naman ako ( ¬‿¬ )
"Masaya ka yata" komento ni Deeja.
"Syempre I am still breathing" nakangiting sabi ko.
"Sus. Ang sabihin mo may binabalak ka lang" siya ulit at umingos.
"Tse! Huwag mo akong pansinin! Si boo boo mo oh!" Sabi ko at ngumuso sa lalaking papalapit.
"Boo" bati niya kay Deeja at humalik sa pisngi niya.
"Zup ladies" nakangiting bati rin niya sa amin.
Tumango lang kami bilang sagot.
"Zup bu bu!" Asar naman ni Clei.
"Una na kami. Laters!" Si Deeja at tumayo na siya. "Enjoy" nakangiting bulong niya sa akin.
Sa lahat yata ng nakilala kong assassin ay siya na ang may pinakamalakas ang sagap. Nararamdaman niya ang bawat galaw mo at pati na rin ang nasa utak mo. May lahi yata ang mga Alcott na manghuhula.
"Thanks" tipid na sagot ko.
"Anong sinabi ni Deeja?" Curious na tanong ni Liya.
"Enjoy" matabang na sagot ko. Kunware walang thrill.
"Bakit?" Si Mitch sabay kunot noo.
"Oh may gawd!" Eksaheradang sabi ni Clei na halos lumuwa na ang kanyang mga mata.
"What?" Si Gael.
"Don't tell me you gonna...err...you know...mga ganun?" Nakangising sabi niya.
Kahit kailan talaga ang babaeng ito! Mga iniisip mas madumi pa kaysa sa inidoro!
"Poootek!" Si Vexia at binigyan niya ng pinsan ng wet tissue.
"Aanuhin ko ito?" Manghang tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lover
RomanceSome people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them.
